«Chapter Five»

38 0 0
                                    

Kina-umagahan nga maagang nagising ang apat, kaagad silang kumain ng almusal at nag-handa para sa paanyaya nila Dave kaya bago palang ang tinakdang oras ay naka-handa na silang apat.

“Maganda na ba ako Dalia, tanong ni Adela.

“Oo maganda ka na miss baliw. Hahahaha”

“Ang sama naman nito, nag-tatanong lang ako eh! .”

Adela kahit hindi ka mag-tanong sa amin, maganda ka.

“ Talaga! Binobola mo lang eh?”

“ Hay ewan ko sa’yo, nag-sasabi na nga ng totoo ayaw pa maniwala. Diyan ka na nga .” Lumabas na kwarto si Dalia.

Pasimple kong siniko si Mona. “ano sis. ready ka na bang makita si Jerome?”   

“Oo naman, hindi ko akalain na tatawagan nila tayo. Eh ikaw makikita mo na rin pulit si Rowan, excited ka na ba?” 

“ahmm.. oo naman noh! ako pa.”

“Halika ka na baba na tayo para pag-dumating sila ready na tayo.” Aya sa akin ni Mona. Kaya sabay na kaming pumanaog ni Mona at ilang saglit lang ay dumating  narin sila.

“Good Morning Girls..” bati sa amin ni Dave at Jerome. Si Rowan ay hindi na bumaba ng sasakyan siya kasi ang nag drive ng van.

“Good Morning sa inyo Dave and Jerome.” bati naming apat.

“So shall we go now, para marami tayong mapuntahan.” “ Arabella, baling sa akin ni Dave, doon ka na sa harapan umupo, sabay kindat sa niya sa akin.”

Napangiti ako kay Dave… parang sesense ko na may balak itong si Dave ah! Buti nalang dito ako sa harap pina-upo para nga naman makatabi ko si Rowan. Pag-sakay ko “Hi kuya, good morning ”bati ko sa kanya. Kuya muna ang itawag, nakakahiya naman first name basis kaagad eh mas matanda siya sa amin.

“Good Morning din sa’yo, bakit naman may kuya pa, ok lang sa akin na Rowan nalang. Ayoko rin kasing nag-papatawag ng kuya, feeling ko lalo akong tumatanda.”

“Ok kung yan ang sabi mo ku—Rowan.” 
“That’s better, wala nang kuya.”

***

«Arabella POV»

Masaya ang maghapon naming kasama ang mga boys, medyo nag-paparamdam na si Jerome kay Mona at si Dave kay Adela. Masaya ko para sa kanila dahil mag-kakaruon na sila lovelife.

Kung saan saan kami nag-punta, naka-bili narin kami ng mga pasalubong.

Sa bawat nag-daang mga araw, halos kasama namin sila Rowan. Walang tigil din ang tuksuhan isama pa kami ni Rowan. Oo aaminin ko unang kita ko pa lang sa kanya nabihag na niya ang puso ko. Sa palagay niyo kaya may pagtingin rin siya sa akin? Kahit hindi niya pinapansin? kakausapin lang niya ako pag may sasabihin lang siya.

Hay ang buhay pag-ibig nga naman! Pero hindi ko rin inaasahan na isang gabi habang nag-kukuwentuhan sa veranda ng bahay…

“Wala na tayong chips? Wika ni Dave

“Punta kami sa tindahan ni Arabella para bumili.” Nagulat ako  pero hindi nag-pahalata. “sasamahan ko lang si Rowan bumili.” sabay tayo at lumakad na kami ni Rowan.

“Nagulat naman ako sa’yo kanina! Bakit ako pa ang isinama mo? Baka lalo nila tayong tuksuhin?”

“Hayaan mo sila, gusto ko rin naman na magkasarilinan tayo kaya kita isinama.”

“Ha! ako gusto mong masolo? Bakit?”

Tumigil siya sa paglakad at humarap sa akin,  hinawakan ang aking mga kamay at…

“Arabella.. I like you.. I mean mahal na yata kita..

What? Ano ito?isang biro? Totoo ba ang sinasabi niya? Ano ang sasabihin ko? Magtatapat din ba ako na gusto ko rin siya?

“I.. I don’t know what to say. Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo? Huwag kang magpa-apekto sa mga tukso nila?

“Arabella, I’m serious.” Diretso ang tingin sa mga mata niya na sabi nito. “I love you. Kahit magalit ka sa akin, pero iyan ang totoo. When I saw you that day on that day , I fell in love with you already,” sinserong sabi nito.

Hindi ito kumukurap habang nagsasalita.

Naumid ang dila niya. Nakatingin lang siya sa mga mata nito na parang inaarok doon ang katotohanan ng ipinagtapat nito sa kanya.

“Hindi kita minamadali. I just want you to know that I love you. It may sound corny but that is true. Pagtawanan mo na ako kung gusto mo, pero wala nang bawian ang sinabi ko. Mahal kita. Na-hook na ako ng charm mo.

“Rowan, I love you too.”

“Pasensiya na.. nahihirapan na kasi akong itago ang nararamdaman ko sa’yo.. Ano sabi mo? U-ulitin mo nga?”

“Ang sabi ko, I love you too. Mahal din kita.”

“Talaga..mahal mo din ako?” Nagtatalon sa tuwa. “Eh d tayo na?”

“Naintindihan mo naman siguro yung sagot ko dba?”

Napakamot ng batok. “Sabi ko nga tayo na”

“Pero Rowan may favor sana ako sa’yo, gusto ko sana na tayo lang muna ang maka-aalam nito. Don’t worry ako ang magsasabi sa kanila.”

“Ok, kung iyan ang gusto mo, pero gusto ko lagi tayong magkita?”

“Thank you,  oo lagi tayong mag-kikita.” Tumuloy na kami sa tindahan at hindi na rin niya binitawan ang kamay ko. Binitawan nalang niya nang makarating kami sa bahay.

Love EnemyWhere stories live. Discover now