Dear Childhood Bestfriend,
Jeremyyyy! Alam mo ba, diba hindi? Kasali pala ako sa isang banda sa school. Ako yung lead singer hehez. Sorry kung ngayon ko lang nakwento sayo. 3rd year college na pala ako. Di na rin kasi ako makapagupdate kasi nga marami din akong ginagawa. Buti nga naalala kong birthday mo kahapon eh. Charots. Syempre di ko yun nakalimutaaaan. Kelan ko ba kinalimutan yung birthday ng nagiisa kong childhood bestfriend? HAHAHAHAHAHA.
Oyst may ikekwento pala akoooo. Kasi si Kyle eh. Yung isa naming kabanda na may hawak ng Drum set. Maggagraduate na this school year so naghanap siya ng papalit sa kanya. Nakahanap nga siya ng papalit sa kanya pero myghad. Di ko siya feel! His name is Kayden Wilson.
Feeling ko nangangain siya ng tao! Hindi siya nagsasalita. Ang sungit sungit niya pang tumingin. Halos 3 weeks na din namin siyang kasama pero sa 3 weeks na yun, hindi ko pa siya natry na makausap. Nacurious tuloy ako sa kanya Jeremy. Sobrang layo ng ugali niyong dalawa. Wala lang. Pinagcompare ko lang kayo kasi nga di ko talaga siya feel. Nakakatakot siya. Ang sungit niya. Di ko siya gusto (gusto ba ako? hahahaha) Balasyadyan.
Ingat ka kung san ka man pupunta Jeremy ha? Labyuuu! 💚
Your Childhood Bestfriend,
Namae