Entry #10

16 0 0
                                    

Dear Childhood Bestfriend,

At dahil wala pang masyadong ginagawa, naisipan ko munang magsulat ng entry tska nalulungkot kasi ako na naiinis. Wala akong makausap eh kaya eto. Magsusulat nalang din ako kung anong nararamdaman ko ngayon. Kasi itong si Kyle e. Pinipilit akong makipagpicture kay Blake. Eh etong si Blake halata mo namang hindi siya interesado e. Kaya bakit pa diba? Nung tinawag kasi ni Kyle si Blake, parang araw siyang pansinin. Feeling ko tuloy masama na ngayon magkacrush. Masama na ba ngayon magkacrush Jeremy? Hinahangaan ko lang naman yung tao kasi sobrang bait niya e. Hays.

Gusto ko lang naman ishare to Jeremy kasi wala akong mapagsabihan e. Actually mag-isa ko lang dito sa gilid. Tinatanong na nga nung iba kung okay lang daw ba ako. Syempre sasabihin kong oo. Alangan namang sabihin kong hindi. Di ko naman sila ganon kaclose para sabihin ko sa kanila yung prinoproblema ko ngayon.

Pero kay Kayden? Magaan yung loob ko kasi wala na siya. Maaga siyang umuwi. Di ko din alam kung bakit ganon nalang kagaan yung loob ko sa kanya. Siguro dahil mysterious siya kaya ganon nalang ako kainteresado sa kanya. Interesado akong makilala pa siya.

Gusto ko ng kausap. Kahit man lang sa text/chat. Ipm ko ata si Kayden? Feeling ko naman maiintindihan niya ko e. Kahit na ambabaw netong problema ko jusq. Feel ko lang kasi nakakahiya. Si Kyle kasi eh!! Sabi na nga lang kasi na ayaw ko kasi ayaw niya. Hays.

Dami kong naisulat ngayon. Papalapit na din sila saken kaya next time nalang ulit ha?

Your Childhood Bestfriend,

Namae

Dear Childhood BestfriendWhere stories live. Discover now