Entry #6

32 0 0
                                    

Dear Childhood Bestfriend,

Weekend na naman. Wala na naman akong gagawin sa bahay. Siguro kapag nandito ka, naglalaro siguro tayo ng Jenga no? Or Uno? Or baka nasa mall tayo naglalaro ng arcade. Lawak talaga ng imagination ko. Kung ano anong iniisip ko. Hahahahaha.

Oo nga pala. Time pala ng practice namin is 6pm to 9pm. Gabi na no? Bawal din kasing maingay kasi hanggang 6pm pa yung mga klase. Kahit sabihin nating kubong yung pinagpapractice'an namin. Eh sa kung ang lalakas naman ng tunog ng mga instruments namin.

Nawala pala kagabi yung susi ng motor ni Kayden. First time ko siyang nakitang ganon yung expression niya. AND FIRST TIME DIN NIYA AKONG KINAUSAP! Syempre tinanong niya kung may nakita ba akong susi. Malamang. HAHAHAHAHA. Naaawa ako sa kanya kagabi. Mangiyak ngiyak na siyang naghahanap nung susi eh. Nagpatulong pa kami sa mga security guards ng school. Hays. Eh sa kung saan saan niya ba naman kasi pinaglalagay yung susi ng motor niya.  Sana mahanap niya na yung susi. Baka kasi next practice eh beastmode siya pumalo sa drum set, masira pa. HAHAHAHAHAHA.

Your Childhood Bestfriend,

Namae

Dear Childhood BestfriendWhere stories live. Discover now