Chapter 3

16 0 0
                                    

 

 

Chapter 3

 

“Hindi mo ba talaga ako tatantanan?” Bwisit na bwisit kong tanong sa kasama ko.

 

Umiling siya at ngumiti. Mas lalo lang akong nairita.

 

“Sige na kasi Sis! I don’t know anything kasi ditetch!” Maarteng sabi niya. Ditetch? Ano yun? Nakakairita na nga, ang jejemon pa.

 

“I don’t care.” Sabi ko at naglakad. Lahat binabati ako pero deretso lang ang lakad ko. Agad namang dumikit sakin ang nakakairita kong kasama. Anak siya ng bestfriend ni mommy na dito na tumutuloy at nag-aaral.

 

“Sis, bakit parang ang dami atang bumabati sayo? Birthday mo ba?” Tanong niya.

 

Hindi ko pinansin ang napaka-walang kwenta niyang tanong at naglakad nalang. Kung bakit ba kasi binilin siya ni Mommy.

 

Nabigla nalang ako nang biglang hinablot niya ang braso ko at nagtatadyak tadyak siya na para bang maiiyak na.

 

“Sis naman eh! Pansinin mo naman ang beautybells ko! Huhuhuhuhuhu!” Napatingin lahat samin at nagbulung-bulungan ang mga tao.

 

“Ghad stop it Stephen! You’re embarrassing the shit out of me!” Naiirita kong sabi pero hindi niya parin ako tinigilan. Babawiin ko na ang kamay kong hawak niya pero ayaw niya kong bitawan at mas nagtadyak tadyak pa! Naiirita na talaga ako!

 

“My Gosh! Stop it will you!” Sabi ko pero hindi niya talaga ako tinitigalan at mas nagulat ako ng bigla niya kong yakapin at humagulhol sa may balikat ko. Tinutulak ko siya pero malaki siya kaya hindi ko siya maitulak. Napabuntong hininga ako sa sobrang inis kaya hinayaan ko nalang.

 

Nakatingin lahat ang mga tao samin. May iba pa nga na nagsasabing boyfriend ko daw itong kasama ko. Psh.

 

“Stephen, are you done crying? Pls let go of me. Nakakairita na kasi talaga.” Mahina kong sabi.

 

“So-sorry sis huhuhuhu” Sabi niya at nabigla nalang ako ng biglang may humatak kay Stephen at natumba siya dahil nasuntok.

 

Nanlalaki ang mga mata ko kay Stephen na nakahandalusay sa sahig at nagdudugo ang labi.

 

Tinignan ko kung sino ang gumawa sa kanya nito at..

 

“What the crap River?!” Sigaw ko sa kanya.

 

Pero hindi niya ko pinansin at umambang susuntukin ulit si Stephen pero humarang ako.

Tumingin ako sa sobrang dilim na mukha ni River.

 

“Ano bang problema mo?! Nababaliw ka na ba talaga?!” Sabi ko at nilapitan agad si Stephen.

 

“Crap are you okay Stephen?” Nag-aalala kong tanong dahil lagot talaga ako kay Mommy at nakakahiya kay Tita Amy. Sakin siya binilin at first day na first day palang niya dito eh pasa na ang napala niya. Damn it

Dump the Bastard and Move onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon