Chapter 4
(THIS IS FLASHBACK)
“Sa dating tagpuan? Okay! Promise! I love you too!” Sabi ko at agad lumabas ng kwarto. 1st anniversary naming ngayon ni River. And I’m damn excited. Magkikita kame ngayon sa palagi naming pinupuntahan.
Pasimple akong lumabas ng kwarto. Tinignan ko kung nasa baba ba si daddy at mommy o wala. Mabuti nalang at wala. Ayaw kasi ako payagan ni daddy na lumabas dahil may gaganaping party mamayang 7pm. Nakabihis na nga ako para sa party na yun. Pero ang totoo, tatakas lang ako at makikipagkita kay River. Tinignan ko ang oras. 6:17 na. Wala sila mommy sa baba. Marahil ay nasa kwarto at naghahanda na para sa gaganaping party. Bumaba ako. Busy lahat ng tao sa paga-ayos. Binabati nila ako. Umarte ako ng normal nang sa ganun ay hindi ako mahalata. Pasimple akong pumanta sa parking lot namin. Mabuti nalang talaga at busy lahat ng mga tao sa mga gawain kaya hindi ako napansin.
Nakahinga ako ng maluwang nang nakapasok na ko sa kotse. Ngunit biglang may humarang sakin. Crap. Yung security guard. Agad siyang kumatok sa bintana ko. Pinagbuksan ko.
“Ma’am, saan po kayo pupunta? Bilin po ng inyong ama na huwag kayong palabasin dahil may party mamaya.” Sabi nito.
“Ah? Ganun ba? Oh sige. Bababa na ko.” Sabi ko.
“Sige po.” Nakangiti naman niyang sabi.
Tinaas ko ang bintana.
Huminga ako ng malalim.
At pinaharurot ko ng mabilis ang kotse.
Tumingin ako sa likod at tawang tawa nalang ako ng nakita kong hinahabol ako ng guard namin. Mas binilisan ko pa ang pagda-drive nang hindi na ko masundan.
Sinagot ko ang nagri-ring na cellphone ko.
“Nasaan ka na?” May bahid na pagka-inip at nerbiyos na sabi ni River.
Pinigilan ko ang sarili ko sa pagtawa.
“I can’t come.” Sabi ko at nilagyan ng lungkot ang boses ko. I really wanna laugh right now.
“Jesus what?! Come on Alexandria. Huwag mo nga akong pagtripan!” Sabi niya.
Humalakhak ako. Kilalang kilala niya talaga ako.
“I’m on my way babe.” Sabi ko.
Inistop ko yung kotse dahil sa red sign.
“Faster please. But still watch your drive. I love you so much baby.” Napapaos niyang sabi.
“I love you so much, River.” Sabi ko at tinignan yung regalo ko sa kanya pero wala.
“Wa-wait. River.” Sabi ko at yumuko para tignan yung box ng bracelet na regalo ko sa kanya. Imposibleng nakalimutan ko yun. Kaya baka nahulog.
“Alex?Why?” Narinig kong sabi ni River pero hindi na ko sumagot dahil hinahanap ko yung bracelet sa ilalim ng upuan.
“Alexandria.” At yun ang huli kong narinig
BINABASA MO ANG
Dump the Bastard and Move on
Teen FictionAlexandria stand on her rules.. Dump the Bastard and Move on