Chapter 2
"Mine!" Sigaw ko at hinabol ang bola at saka malakas kong ini-spike ito.
"For the win, Hampston University!"
Agad agad namang nagtalunan ang mga teammates ko sa sobrang tuwa. Nilapitan nila ako at inulanan ako ng puri. Pagkatapos ay agad akong bumalik sa bench pero agad nagdilim ang tingin ko nang sinalubong ako ng isang demonyo. Nakangisi siya at may hawak hawak na towel at bottle water.
"You got it babe!" Halakhak niya at inabot sakin ang towel at bottle water.
Padabog kong kinuha ito at tinalikuran siya para umupo.
Narinig ko naman agad ang tawa niya sa likod ko. Psh. Asshole.
Agad niya kong sinundan at lumuhod sa harap ko para magkapantay lang ang mukha namen.
Agad namang naghiyawan at nagtilian sa kilig ang mga teammates ko at ang iba pang tao.
"You're making a scene River. Stand up." Naiinis kong sabi sa kanya.
"What? I'm not even doing anything." Inosente niyang sabi na nakangisi parin.
Tinapos kong inumin ang bottle water ko at agad tumayo. Tumayo rin siya at kinuha ang sports bag ko sa isang bench.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"You're going to shower right?" Tanong niya.
Tumango lang ako at saka tinalikuran siya.
Huminto ako sa harap ng shower room door at hinarap siya.
Ngumisi siya at binigay sakin ang bag ko.
"Hindi na ba kita sasamahan sa loob?" nakangising demonyo na sabi niya.
"Bastard!" Sigaw ko at saka pumasok sa shower room.
Hanggang dito ay naririnig ko pa ang tawa niya.
Damn it.
Paglabas ko ng shower room, nakita ko siyang nakasandal sa pader na nakapamulsa at nagsisigarilyo.
Tinapon niya agad ito nang nakita ako.
Inirapan ko siya at tinalikuran. Agad niya akong sinundan.
“Just to keep me calm. It’s not always though.” Kibit bilikat niyang sabi na para bang basing basa niya ang isip ko.
“You don’t have to explain. I don’t care anyway.” Sabi ko.
“Uh huh?” Sabi niya at ngumisi.
Agad niyang nilagay ang sports bag ko sa likod.
“Ibaba mo ko sa Hobbits Coffee Shop.” Sabi ko.
“Bakit? Hindi ba’t sa sweetmint’s ang gusto mo kapag ganitong panahon?” Sabi niya at nilingon ako.
“As season change, people change. So just drop me.” Sabi ko.
Agad akong bumaba at sinara ng malakas ang kotse niya. Agad kong tinawagan ang taong ipinapameet ni Mommy sakin.
“Where are you? Nandito na ko.” Naiirita kong sabi.
Agad namang may sumigaw sa buong coffee shop.
“SIS!” Tili niyang sabi.
And I just rolled my eyes.
BINABASA MO ANG
Dump the Bastard and Move on
Teen FictionAlexandria stand on her rules.. Dump the Bastard and Move on