Chapter 1.

25 1 0
                                    

Chapter 1

Seatbelt

"So, that will be 6,489.75 pesos ma'am." Nakangiting sabi sakin ng kahera. 

Kinuha ko ang prada wallet ko at shit. Shit! Hinalubog ko ang lahat ng loob ng Chanel bag ko pero hindi ko mahanap ang wallet ko. Damn it. Naiwan ko yata sa bahay. Ugh! 

"Ma'am?" Nakataas na kilay na sabi nung kahera. Leche. Ang kapal ng mukhang taasan ako ng kilay. Bilhin ko kaya buong pagkatao niya? Urg!

Ngumiti ako sa kanya ng pagkaplasti-plastik. 

"I'm sorry but I think I left my wallet. Could you--" 

Naputol ako sa pagsasalita nang nakita kong di nakatingin sakin ang kahera at parang nagdeday-dream na nakatingin sa may likuran ko. Lumingon ako at damn! Bakit siya nandito?! No! Hindi niya ako pwedeng madatnan na namomroblema sa 6,489.75 pesos! Really really damn it!

Lumingon ako sa kahera ulit para hindi ako mapansin ng mayabang na yun. I will not risk my reputation just for 6,489.75 pesos. 

"Miss." Matigas kong sabi dun sa kahera na nakalingon parin kay River. 

"Yes ma'am? May pambayad na po ba kayo?" 

"I left my----"

"Here." 

Napatingin ako ng nanlalaking mata sa lalakeng nag-abot ng credit card na kasalukuyang nakangiting demonyo sakin ngayon. 

"Ba-bayaran niyo po ba yung sa kanya Sir?" Nangniningning na sabi nung kahera.

"No--"

"Yes." 

Nanlalaki ang mata kong hinarap ang kahera para sabihin sa kanya na ako ang sundin niya pero agad niyang sinwipe ang credit card na nakatingin lang sa demonyong katabi ko ngayon!

Agad kong kinuha ang bag ko at tinalikuran sila. Kung siya lang rin naman ang magbabayad sa mga damit ko, then be it. Siya magsuot. 

Nagmamadali akong pumunta sa parking lot nang biglang may humablot sa braso ko. 

And I'm damn so sure kung sino. 

Agad ko siyang nilingon. 

"What the crap is it again, River?" 

Kalmado kong tanong sa kanya. 

Sa unang salita ko palang ay mas lumapad na naman ang ngiti ng demonyo. Bastard. 

"You left this babe." Nakangiti niyang sabi sakin at pinakita ang mga shopping bags na binayaran. 

"You paid for it right? Then it's yours. For you to wear on your gay days." Nang-iinsulto kong sabi. 

Tumawa lang siya. 

"I'll drive you home." 

"No. I got mine." 

"Alam kong hinihintay mo pa ang sundo mo Alexandria. Kaya ihahatid na kita."

Tumawa ako sa asta niya.

"Oh please River. Don't act like as if you're my boyfriend or some bodyguard. I am not into your craps. Go back and date your bitch."

Sabi ko at tinalikuran siya pero bigla nalang niya ko kinaladkad. Urg!

"Ano ba?! Stop it!" Sabi ko pero patuloy parin niya kong kinakaladkad.

"River!" 

Agad kaming nakarating sa harap ng Mercedez Benz niya. Binuksan niya ang front seat at saka tinulak ako dun. Agad siyang lumiko para pumasok at agad pinaharurot ang sasakyan. Muntik na nga akong matamaan sa may windsheild. 

"Bastard." Mahina kong pahayag.

"Wear your seatbelt lady." 

Hindi ko siya pinansin at tumingin nalang sa labas. 

Nagulat  nalang ako nang bigla niyang hininto ang sasakyan at muntik na naman akong masubsob pero mas ang ikinagulat ko ay nasa green light pero naka-stop.

"You asshole! Can't you see it's a go sign?!" Sigaw ko sa kanya pero bigla nalang siyang lumapit sakin.

"He-hey!" Sabi ko dahil konting galaw nalang ay mahahalikan na niya ko!

At bigla ko nalang naramdaman ang pagsulpot ng seatbelt sa katawan ko. 

Lumayo siya at saka ngumiting demonyo at pinaharurot na naman ang sasakyan. 

"URG!" Sigaw ko nalang sa sobrang inis. 

Dump the Bastard and Move onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon