History 4 ~ My Car Revenge

47 3 0
                                    

 

One life biggest mistake is to spent time thinking people who did not even think of you in just one second.

 

----------------------------------------------------

 

Aira’s POV

 

Nasa study room kami ngayon. Lahat busy sa pagbabasa ng mga notes sa history dahil ng test kinabukasan. Nang bigla na lang sumigaw si Yosh.

 

“Arrrrggghh! Kasura talaga sya ever!” bulyaw niya na mag echo sa room namin. Napatingin tuloy kami sa kaniya ni Mich na kasalukuyang ginagabutan ang buhok niya.

 

“Bakit ba?” tanong ko sa kaniya habang nilalaro ang ballpen kong hawak.

 

“Si Luhan! Hindi ko maalis sa isip ko!” bulyaw niya sa amin. Don’t tell me. Yosh?

 

“What?! Nako Yosh! Kalimutan mo na sya!” sigaw naman ni Mich sa kaniya habang dahandahan sinasara yung libro namin sa history.

 

“Yun na nga e.! Kaso nagflaflashback talaga! Kahit na pinipilit kong si Kris! Aba sumisingit sa singit si Luhan!” sabay gabot pa ulit ni Yosh sa ulo niya. Mabiro nga ito.

 

“Wag mong gabutan hair mo! Baka magaya ka kay sir Pa~not..” sabi ko pa sa kaniya nang pabiro. Yung mahina pa yung mga huling salita. Hagalpak naman sa tawa si Mich. Sumimangot si Yosh at nagpatuloy na lang ulit sa pagbabasa.

 

***

 

“Class… Iaanounce ko na ang tatlong taong nakaperfect ng test ngayon sa history.” Sabi ni Ma’am tapos lahat napagasp. Agad na umupo kaming tatlo nang matuwid. >;) Ayan magsasalita na si Ma’am. Excited much.

 

“Mich Zhang, Yosh Lee and Aira lu… Congratulations!” pagbati ni Ma’am, tumingin ako dun sa katabi kong si Kai tapos tumingin din siya sa akin, itinaas ko yung kanang kilay ko at siniringan ko siya. Agad na tumayo kaming tatlo.

 

“Sino ang gusto nyong maging sidekick nyo for almost 1 week? Sa school na ito, that’s a policy.” tanong ni Ma’am. Nagulantang kaming tatlo at nagkatinginan. Ngumisi nang nakakatakot si Yosh. At hinigit kami ni Mich sa may sulok

 

“Ma’am paguusapan lang po namin in 1 minute!” sigaw ni Yosh habang nakapagpacute pa.

 

Hinila niya kami sa sulok at pumalakpak ng mahina. Ngumisi siya nang demonyo. “Yung tatlong surot ang kunin natin. Tapos pahirapan natin” bulong niya. Waaahh! Nagflashback yung nangyari sa detention room nung nakaraang mga araw.

 

O_O

 

“Deal!” biglang banggit ni Mich. Nagbalikan na silang dalawa at bumalik na rin ako. Nakapamaywang pa si Yosh nung nagsalita.

The Fault in our History: Gangsters vs. RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon