History 6
“You need to forget and to forgive”
---------------------------------------------------
Chanyeol’s POV
Alam kong hindi nakatingin si Kai ng diretso sa akin. Halos matingin na rin ako sa direksyong tinitignan niya. Si Luhan. Bakit siya umiiyak. Nakita ko namang patakbong lumapit si Kai sa kaniya. Nabitawan ko yung bola na hawak ko at sumunod sa kaniya.
“Bakit niya ba kasi ako iniwan” mahinang sabi ni Luhan pero halata at rinig na rinig namin dahil sa sobrang tahimik. Dumaplis lang sa aming mga balat ang malamig na hangin.
Tinapik ko siya sa kanyiang balikat at tinignan. “Forget.” Sabi ko at tumango naman si Kai.
“Pano mo ba malilimutan ang taong minahal mo nang sobra? Ang taong kumukopleto ng araw mo? Ang taong binuo ang pagkatao mo at nagpabago sa ikot ng mundo ko?” sunod sunod na tanong niya sa amin na kahit kami ay hindi namin masagot.
Alam kong sa mata ng maraming tao. Muhkang baklang tignan o mahinang tignan ang mga lalaking umiiyak. Pero hindi naman ibig sabihin noon mahina ka na kaagad.
Minsan talaga kaylangan mo lang iiyak ang lahat.
“Akala ko ba nalimutan mo na sya?” nagtatakang tanong ni Kai kay Luhan. Tumingin sa amin si Luhan at nagsalita, umagos ang luha niya
“Nakalimutan ko na. Pero. May mga bagay na nagpapaalala. Nasa tuwing nakikita ko ang bagay na iyon. Hindi na mabura sa isip ko. Unti unting bumabalik.” Banggit niya, tumingala siya para punasan ang luha niya.
Kumunot ang noo namin. “Anong bagay iyon?” tanong naming dalawa ni Kai.
“Ang piano. Ang pyesang titutugtog niya palagi. Ang pyesang walang katulad. Hindi ko alam kung sino ang tumugtog noon sa music room. Agad ko namang pinuntahan kung saan galing iyon. Pero. Wala akong naabutan.”
Banggit ni Luhan at kahit kami nagtaka. Tama sya. Ang pyesang tinutugtog ni Ella ay walang kaparehas. Dahil pinagawa pa iyon ng kaniyang mga magulang para sa kaniya. Ang tono ng kantang tinutugtog niya sa piano ay walang katumbas.
Napakamot kami ng noo. Agad naman na umalis si Luhan at alam na namin kung saan siya pupunta, walang iba kundi sa underworld. Kung saan.
Magagawa niyang gumawa ng kahit ano pa.
Mich’s POV
Kalalabas lang ni Yosh mula sa music room. Agad naman siyang hinila namin at nagkwentuhan. “Yosh! Anong gusto mong kantahin natin?” tanong ni Aira na hyper ngayon.
BINABASA MO ANG
The Fault in our History: Gangsters vs. Royalties
Teen FictionAno kayang mangyayari kung ang mga tinaguriang pinakamalalakas na gangsters ay makaharap ang pinakamayayamang tao sa mundo o kumbaga ang mga taong dugong bughaw… dahil sa isang eskwelahang pinagaagawan ng lahat? MAGKASUNDO kaya sila..? o HINDI? O...