Yan po may POV na ang boys. ^^ basa na po kayo.
----------------------------------------------
Luhan’s POV
Nasa canteen kami ngayon. Wala tambay lang, wala kasing magawa sa room dahil wala ang mga teachers… nagulat na lang kami ng lumapit si Sir panot. Medyo sumimangot kami sa kaniya tapos si Chanyeol naman nag dekwatro pa.
“Sir! Bakit ha?!” padabog na tanong ni Kai sa kaniya habang nakatuon ang kaniyang kamay sa lamesa.
“Kasi…Kasali kayo sa contest sa music program ng school. Walang atrasan!” bulyaw ni sir nang pabulong sa amin. Ano ‘tong pakulong ito?. Binatukan namin si Sir. Kaya nagkaroon siya ng tatlong bukol sa ulo.
“At bakit naman?!” tanong ni Chanyeol kay Sir panot. Kasi naman matagal na naming hindi nararanasang kumanta. Hindi makaimik si Sir kaya lumapit ako ng upo sa kaniya. Kahit ganito parin siya, tito ko parin ang panot na ito.
Oo tama ang nabasa niyo, kapatid siya ng aking papa. Mabuti na lang at hindi kami nakamana sa kaniya. Yung tipong gabot dito, gabot doon. Kaya naman naubusan na nang himala sa ulo. Kaya nakapagdesisyon na din ako.
“Sir… sige na nga, payag na kami.” Sabi ko. Tapos yung panga nung dalawa kong kasama halos bumagsak.
“Sure ka ba?” tanong ni Kai habang halos mapatayo na sa kaniyang inuupuan. Tapos si Sir din naman laglag panga din.
“Oo.. kung gusto nga nila, may dance steps pa.” sabi ko at ngumisi, tapos tumayo ako at nagyayang pumuntang park para magpahangin at mapagplanuhan ang lahat.
“Sir! Narinig mo yun ha!” bulyaw ni Chanyeol sa kaniya at iniwan namin si sir na nakanganga parin.
***
Iniisip ko parin habang naglalakad ang mga gagawin namin. Kaylangan naming manalo dahil kung sila ang makapaguuwi ng trono ay matatalo kami at hindi na katatakutan pa ng ibang tao. Mga kababaeng tao, gusto ng away. Tsss.
Nakita kong umupo si Chanyeol sa isang bench at sumandal. “Grabe nagkakawringkles ako sa mga iyon. Palibhasa mapera.” reklamo ni Chanyeol na nakakunot ang mga noo. Nasusura ako.
“Mabuti nga yun.” Sabi ni Kai habang natatawa at pinaglalaruan ang kaniyang mga daliri at ang hawak niyang ballpen, sabay upo sa tabi ni Chanyeol.
“E? at bakit? Pagpupustahan ba natin?” tanong ko habang napapatawa na sa naiisip kong sa pagkakaalam kong iniisip din nila. Totoo naman na magaganda sila at kung ikukumpara sila sa iba ay mas nakakabighani ang ganda nila.
Nagkatinginan na lang kami tapos sumagot si Kai. “Deal. Ano pagpupustahan ba natin sila?”
BINABASA MO ANG
The Fault in our History: Gangsters vs. Royalties
Teen FictionAno kayang mangyayari kung ang mga tinaguriang pinakamalalakas na gangsters ay makaharap ang pinakamayayamang tao sa mundo o kumbaga ang mga taong dugong bughaw… dahil sa isang eskwelahang pinagaagawan ng lahat? MAGKASUNDO kaya sila..? o HINDI? O...