Chapter 9

78 9 3
                                    

CHAPTER 9- 

(Tom POV)

Nagbibiro lang kaya talaga si Franz kanina. Naalala niyo pa ba yung advice ko sakanya dati? Your future is created by what you do today not Tomorrow. Sana pala sinunod ko din yung sarili kong advice. Sana sinabi ko na sakanya yung feelings ko edi sana hindi ako naunahan ni Kelvin. Bakit big deal si Kelvin? 

*flashback

Nung gabi nung acquaintance party. Pumunta siya sa bahay namin lasing na lasing tas umiiyak pa. Syempre pinapasok ko na siya sa loob. Binigyan ko ng kape kaso walang epekto sa kanya. Lasheng padin.

Me: Ano bang nangyari sayo?

Kelvin: Si Franz

Me: Anong meron sa kanya?

Kelvin: Tinanong ko siya kung pwede manligaw, pumayag naman siya kaso bigla niyang binawi

He looked so wasted. Ngayon ko lang siya nakitang ganito nakakaawa.

Kelvin: Please Tom  help me. Please ! 

Nako umiyak siya lalo. Anong gagawin ko dito? 

Me: Ano bang pwede kong matulong?

Kelvin: Lakad mo naman ako sakanya please. Sige nanaman T_T

Me: Ano pa nga bang magagawa ko. Para san pa at naging kaibigan kita

Sa totoo lang ayaw ko talaga siyang tulungan kasi paano naman ako? Sabi nga nung iba 'Pals before Gals' Magpaparaya na lang ako, kung ayun yung magpapabuti sa kanya.

Kelvin: Pero mangako ka. Di mo siya aagawin sakin ha. Akin lang siya. Promise mo! Mag promise ka! Dalian mo!

Me: Oo na Oo na  promise ko di ko siya aagawin sayo

Pano ba ko napapayag nito.

Kelvin: Ano bang kulang sakin? Ba't ba ayaw niya sakin? Mayaman naman ako, kahit ano gusto niya bibigay ko sa kanya. Di naman ako panget may itsura naman ako. Correction pogi naman ako, pero mas pogi ka pare dami nga nagkakagusto sayo e. Kung naging babae lang ako magkakagusto ako sayo. Pakiss nga diyan. Sige na. Hahahaha nababaliw na ata ako.

Kung anu-ano na pinagsasabi nito lasing na lasing na siya o. Tatayo sana siya kaso bigla na siyang bumagsak. Knock out na siya hahaha nakakatawang nakakaawa yung itsura niya.

Akala ko makakalimutan niya lahat ng sinabi niya kagabi pero hindi. Pero nung nagising siya kinausap pa niya ko ng seryoso.

 "Pare. Aasahan ko yung tulong mo ha. Pati narin yung promise mo ha" sabi niya sakin sabay umalis na sa bahay namin

Kung nakalimutan sana yun may pag-asa pa ko kay Franz kaso memorized niya lahat e -__- buhay nga naman.

*end of flashback

Sana matagal pa lang sinabi ko na kay Franz kaso natakot ako na hindi rin ganun yung feelings niya sakin. Pumikit ako tas binura yung mga iniisip ko. Biglang humangin ng malaks papunta sa direksyon ko, ang sarap sa pakiRamdam. "PWE!" kainis panira ng moment to ha. 

Their Hidden Desire (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon