Chapter 12

51 2 0
                                    

CHAPTER 12

Pag-gising ko dumungaw agad ako sa bintana ang lakas parin ng ulan. Nakapatay na yung aircon pero sobrang lamig padin. Sa sobrang lamig nag-moist na yung hininga ko sa salamin ng bintana. Hiningahan ko yung salamin tas nagsulat ng F+T hahaha para kong bata 

*Knock Knock* Madali kong binura yung nakasulat sa salamin

 "Pasok po" sabi ko dun sa kumakatok

 "Ma'am, pinapasabi po ni sir autumn na kakain na daw po kayo ng almusal" Sabi nung maid

 "Sige po susunod na ko"

Agad agad akong tumakbo papunta sa CR para magtooth brush at maghilamos nakakahiya naman kasi baka may panis na laway pa ko. After ng aking morning rituals bumaba na ako. Pagdating ko sa dining area si Tom lang yung nandoon.

 "Good Morning Autumn:D" tinignan niya ko ng masama

 "Tom nalang kasi" sabi niya

 "Ba't ba ayaw mo ng autumn? Ang ganda kaya" Pangaasar ko 

 "Pangbabae kasi e"

 "Hindi kaya, bagay nga e. Pero mas bagay tayo :">"

 "Ano? hahaha" kungwari pa siyang di niya narinig

 "Wala. Nga pala asan sina Tita ram?"

 "Umalis sila may aasikasuhin sa company, sumama sa kanila si Summer"

 "Ah ganun ba"

 "Sorry ha. Sana di ka na-awkward sa pang-aasar nila sating dalawa

 "Ok lang nakakatuwa nga e:)"

After naming kumain nagpaalam muna ko sa kanya para maligo, sabi naman niya pagtapos ko pumunta na lang ako sa kwarto niya.

Naligo ako ng mga 20 minutes lang siguro ang lamig na magbababad pa ko sa tubig, although may heater naman. After kong magbihis dumiretcho agad ako sa room ni Tom . Kumatok ako, pinagbuksan naman niya ko agad.

Niyaya niya kong manood ng movie, na pumayag naman ako :D Umupo ulit kami sa couch niya dun sa kwarto. Nagsalang naman siya ng movie, comedy. Nagtatawanan pa nga kami pero nung nasa kalagitnaan na tumayo siya.

Di ko naman pinansin kasi baka may kukunin lang. After ilang saglit nung tatawagin ko na siya nakita ko nakahiga siya sa kama tas nakatalukbong ng kumot. 

Tumayo ako at dahan dahan siyang nilapitan, baka kasi trip nanaman to. Pero nakita ko na nginginig siya ng grabe.

 "Tom ok ka lang ba?" Nanginginig padin siya  "Teka papatayin ko lang yung AC" pinatay ko naman yung aircon. 

 "Ok lang ako hahaha" nagawa pa niyang tumawa

 "Ang init mo!" hinawakan ko siya sa noo

 "Hot talaga ko :D" Biro niya pero di ko na pinansin

Dali dali akong bumaba sa kusina para puntahan si Manang glo, mayor doma nila. Nanghingi ako ng thermometer, malamig na tubig and bimpo tsaka paracetamol. Bumalik ako sa kwarto para punasan siya ng basang bimpo. Pinapaupo ko siya para painumin ng gamot pero hirap siya. 

Tinunulungan ko siya sa pag upo, pawis na pawis siya kahit malamig. Hanap agad ako ng cabinet o drawer. Bakit walang cabinet?!

 "Tom? Asan cabinet mo?" Tanong ko sa kanya sorry naman di ko mahanap e.

Their Hidden Desire (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon