Chapter 24

3.2K 50 0
                                    

Maliwanag. Pulos puti at tanging tunog lang ng aparato ang maririnig. Sa paghugot niya ng hininga ay nasamyo rin niya ang amoy ng gamot sa hangin. Nasaan ba kasi siya? Akmang babangon siya nang may pumigil sa kanya.

"Doc San Gabriel, huwag po muna kayong babangon. Tatawag po muna ako ng doktor," saad ng tinig bago niya nakita ang mukha ng isang babae na agad na umalis.

Sunod na nakita niya ang mukha ng isang lalaki at tiningnan ang vital signs niya habang nagtatanong. "Kumusta naman ang pakiramdam mo, Cassiel? Masakit ba ang ulo mo? Katawan? Nahihilo ka ba?"

"Cassiel?" tanong niya sa doktor. "Nasaan ako?"

"Nasa ospital ka," sagot uli ng doktor na may name tag na 'Luciano.' "May nararamdaman ka bang masakit?"

Umiling siya. "B-bakit nandito ako? S-sino kayo?" nauutal pa niyang saad. Nakaramdam siya ng pagkauhaw. Pakiramdam niya ay napakalayo ng nilakbay niya.

Nagkatinginan naman ang mga taong nasa harap niya bago nagsalita uli ang doktor. "Hindi mo ba kami maalala?" tanong pa uli ng doktor na sinagot niya ng pag-iling. "Ang pangalan mo?"

Umiling uli siya.

Tumango lang ang doktor at may isinulat sa hawak na clipboard. "You are Doctor Cassiel San Gabriel. Ilang buwan ka nang nagtatrabaho dito sa San Jose Medical Center. Naaksidente ka habang sakay ka ng taxi at kasama mo si Mrs. Emie Rose Dixon, isa sa mga nurse ng ospital ding ito."

"Emie Rose Dixon?" ulit niya sa pangalang binanggit ng doktor. Hindi niya alam kung bakit ngunit parang tinamaan ng pag-aalala ang dibdib niya. "Nasaan siya?"

Inilahad ng doktor ang kamay sa kamang nasa tabi niya.

Noon bumungad sa kanya ang hitsura ng sinasabi ng doktor na Emie Rose Dixon. Kitang-kita niya ang babae sa kabilang kama mula sa liwanag na nagmumula sa bintana. Maganda ito. Para itong prinsesa na natutulog at naghihintay ng isang halik mula sa isang prinsipe.

Mabilis niyang pinalis ang nasa isip at pinagtuunan ang kalagayan ng babae. Wala namang komplikadong aparato na nakakabit dito bukod sa oxygen, dextrose, at vital signs monitors. Mukhang walang malubhang pinsala ang babae.

"Kumusta siya?" Bumaling siya sa doktor.

"Hindi ko pa masabi, Cassiel. Pero umaasa akong wala naman siyang malubhang pinsala. Sa side mo ang may mas malakas na pinsala kaya himala na wala kang kahit anong injury."

Natigilan siya sa sinabi ng doktor at para bang may ilaw na bahagyang sumilip sa isipan niya. Pero bago pa tuluyang mabuksan iyon ay nawala rin.

"May masakit ba?" tanong kaagad ng doktor nang mapapikit siya.

"Wala naman." Umiling siya. Alam niyang wala dahil wala siyang maramdaman na kahit anong sakit. Pero wala talaga siyang maalala.

"Ano ba ang hindi mo maalala?" tanong uli ng doktor. "Pangalan? Saan nakatira? Wala?"

"Wala talaga akong maalala," sagot niya matapos umiling sa lahat ng tanong ng doktor.

"Sige. I-schedule kita for CT scan and MRI na rin para makasigurao tayo. Umasa tayong nai-stress lang ang utak mo kaya wala kang maalala. Paano, Doc Cassiel, mauna na ako. Dadalhin ka na lang sa lab for CT scan and MRI mamaya siguro then I'll get back to you."

Nagpaalam na sa kanya ang doktor bago lumipat kay Emie na hindi rin niya maiwasang hindi pakatitigan. Hind rin niya maiwasang mag-alala sa kalagayan ng babae. After all, silang dalawa ang magkasama.

Pero bakit sila magkasama?

"Doc, magpagaling kayo," biglang saad ng nurse na lalaki na halatang bading. "Nakakaloka naman kasi, Doc, mabibiyuda ako nang hindi oras sa 'yo."

Napangiti siya sa sinabi ng nurse. Mukhang malapit sila sa isa't isa. "Tell me, sino ba talaga ako?"

"Wala talaga kayong maalala, Doc?" tanong uli ng nurse. "Kung ganoon, pagkakataon ko na ito." Tila kinilig pang saad nito. "Ako nga po pala si Nikko Marco Ramirez, ako po ang nobya ninyo. At iyong nurse po kaninang babae ang kaibigan ko. Si Queen Anastacio at iyan naman pong nasa kabilang kama ang karibal ko sa inyo. Si Emie Rose Dixon."

"Emie Rose Dixon," ulit niya sa pangalan ng babae bago ito binalingan. Bakit parang hindi na talaga bago sa kanya ang pangalang iyon?

Hindi na talaga bago dahil ilang buwan mo na silang nakakatrabaho. Kahit ang pangalan na 'Cassiel' ay hindi rin bago sa kanya. Iyon nga yata talaga ang pangalan niya.

"Yes, Doc, siya si Emie. Madalas na kayo ang magkasamang mag-rounds kasi pareho kayo ng shift at siya madalas ang inaakay ninyo. Para kayong may special bond with each other. Hindi na rin ako nagtataka, Doc, kasi siya ang una mong naka-close."

"Ano talaga ang pangalan ko?"

"Ang sabi n'yo, Doc, at sabi ng ID ninyo, Cassiel San Gabriel," may pagmamalaki pang saad ng nurse.

Akmang magtatanong pa siya nang bumukas ang pinto at tawagin na ang nurse.

Nagpaalam na ito sa kanya at nagsabi na lang na babalikan siya para sa CT scan at MRI. Paglabas nito ay muli niyang binalingan si Emie.

There was something that urged him to stand up and take a closer look. Hindi sana siya tatayo pero hindi talaga niya mapigilan ang sarili. So he sat up and dragged his IV drip so he can come closer to Emie. Mabuti na lang at inalis na ang pagkakakabit ng ilang aparato sa kanya kaya malaya na siyang makapaglakad.

Pagdating sa harap ni Emie ay parang nais niyang haplusin ang mukha nito, yakapin ito, at alamin kung ano ang masakit dito. Ngunit pinigilan niya ang sarili at pinagmasdan na lang ang dalaga.

a trabahoD3R��� 

Angel Creed Trilogy Book 1: Angel's Tale COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon