Chapter 16

3.2K 59 2
                                    

PARANG lumilipad ang isip ni Emie habang naglalakad sa hallway at isa-isang pinupuntahan ang kuwarto ng mga pasyenteng kailangang dalhan ng gamot.

Noong isang araw lang sila uli nagkausap ni Cassiel mula nang iwasan niya noong nakaraang linggo. Hindi kasi niya mapigilang matuwa sa mga sinabi nito. Hindi niya alam kung sinadya nitong sabihin o gawin ang kawalan nito ng kaalaman tungkol sa panliligaw. It was impossible.

Sa guwapo niyang iyon, imposibleng hindi niya alam kung paano manligaw.

Gusto pa sana niyang usisain si Cassiel tungkol doon pero pinigilan niya ang sarili dahil hindi iyon tama. Bukod pa roon ay hindi naman niya nakikitang nagsisinungaling ito. Hindi niya makita sa mga mata ni Cassiel na may alam talaga ito. Mukha kasi talagang clueless ito sa mga ginawa. Kaya naman ang cute nitong tingnan. Tulad ni Gary noon.

Napangiti si Emie. Gary looked so innocent before. Siguro si Gary iyong matatawag na macho na inosente. Parang si Johnny Bravo. But not to the extent of being stupid. Napaka-simple-minded lang kasi ng asawa niya.

Muli na lang napangiti si Emie. Isa pa yata iyon sa dahilan kung bakit siya umiiwas kay Cassiel. Pagkatapos kasi nilang mag-usap nito, tuwing naaalala niya si Gary ay hindi na pagluha ang ginagawa niya kundi pagngiti. Parang unti-unti na niyang natatanggap sa sarili na wala na ang kanyang asawa physically at nananatiling buhay na lamang sa kanyang puso.

Ngayon niya lubusang napagtanto ang ibig sabihin nina Queen at Nikko tungkol sa gaan ng pakiramdam na sabihin kay Cassiel ang kahit na ano. And when she did, parang tama ang lahat. Naging mas magaan ang lahat. Parang biglang lumiwanag ang buhay niya.

May isa na nga lang problema si Emie. Iyon ay ang hindi pagtigil ng eratikong pagtibok ng puso niya tuwing dadaan sa isipan ang hitsura ni Cassiel. Patawarin sana siya ni Gary pero hindi niya maiwasang maramdaman iyon.

At lalo pang nagwala ang tibok ng puso niya nang marinig ang pagtawag ng huling tinig na nais niyang marinig nang araw na iyon,

"Emie, wait," tawag pa uli ni Cassiel bago siya hinawakan sa braso. "Queen, take over," utos ni Cassiel kay Queen na dagli namang tumalima pero palihim na kinindatan si Emie.

"D-Doc?"

Huminga nang malalim si Cassiel. "Finally, I got to see you. Kailangang-kailangan kita ngayon."

Pinigilan lang ni Emie na malaglag ang mga panga sa sinabi ng binata dahil ang gagang isip niya ay tumatalon na kaagad kung saan-saan. At kung pipigilan niya... No, ayokong papigil, sigaw ng lokang isip niya.

Angel Creed Trilogy Book 1: Angel's Tale COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon