CHAPTER 8
SNOW WHITE
AND
THE BLACK BEASTNATALIYA'S POV
Matapos kong mag simba ay dumeretcho na ako sa aming pinagusapang tagpuan ni Raxius. Pero ilang oras na akong nandito pero bakit wala pa ang inutil na iyon. Nakakinis ano pa kaya ang pinag gagawa ng inutil na iyon.Mga ilang sandali pa lumipas ay natatanaw kona si Raxius at may kasama sya. Hindi ako makapaniwala-- si Aver ba ang kasama nya? Totoo? Magaling na siya?
Napatakbo ako para salubungin sila kaso napahinto ako bakit wala si Beem-Beem. "Teka Raxius inutil nasaan si Beem-Beem?" tanong ko nang makalapit na ako sa kanila.
"Hindi siya makakasama dahil nasa misyon sya." wika ni Raxius.
Napatingin naman ako sa nakabusangol na mukha ni Aver kaya sinampal kona agad siya kasi lumalaki nanaman ang butas ng ilong nya.
"Aray! Bakit mo ginawa yon?" tanong ni Aver habang hinihimas nya ang pisngi nya na sinampal ko.
"Lumalaki nanaman ang butas ng ilong mo eh." sagot ko at taas noo pa akong ngumiti sa kanya.
"Tama na yan baka magkapikunan kayo." wika ni Raxius at sumenyas na ito sa amin kaya nagsimula na kaming maglakad.
°°
Habang sakay kami ni Poi na sinakyan din namin noon ay inihanda ko na ang sarili ko baka kasi bumukas nanaman ang ilalim nito.
Natatawa naman akong pinagmasdan si Aver na nakabusangol parin ang mukha kaya gusto ko siyang inisin.
"Hoy! Avernicus anong trip mo bakit ganyan ang pagmumukha mo? " sabay tinapat ko ang paa ko sa kanyang ilong.
"ANO BA? Hindi mo ba ako tatantanan?!" sigaw niya at nanlalaki nanaman ang butas ng ilong nya.
"Kaya nakabusangol yan, kasi ayaw niya sana sumama mas gusto niya na sumama sa misyon na class S na sasamahan ni Beemus." sabat ni Raxius habang nakatingin siya sa bintana at pinagmamasdan ang mga ulap.
Huh? Si Beem-Beem nasa class S Mission?
"Anong class S misyon naman iyon?" tanong ko.
"Maghanda na kayo pababa na tayo sa Mondreal Island." wika ni Raxius na parang hindi niya narinig ang tanong ko.
**
MONDREAL ISLAND.
Nang makababa na kami ay naglakad na kami papunta sa taong sinasabi ni Raxius, yung Corē Palleti daw at si Arrietta Khyla na isang kinilalang bayani ng aming lugar. Grabe hindi ko inaasahan na makikita ko pa siya matapos niyang lisanin ang Wendera city sa hindi malaman na kadahilanan.
Nagulat kami nang huminto si Raxius bago ito nag salita"Ang misyon na ito ay higit pa sa class S." wika ni Raxius at naglakad na muli.
"Talaga!" at nagkaroon naman ng kulay ang kaninang madilim na mundo ni Aver.
"Oo malalaman nyo kung bakit?" sabay ngiting sea-lion ni Raxius.
Mukhang may hindi ako gusto sa mga nangyayari.
May ilang saglit pa kaming naglakad at natatanaw ko ang isang bakanteng lupain na taniman. Naalala ko nanaman ang Wendera city dahil ganitong ganito ang lugar kung saan ako lumaki.
***Flash back***
"Nataliya diba sinasabi lagi sayo ng ama mo na wag na wag mong gagamitin ang kapangyarihan na iyan kahit saan ka man?" wika ni ina, dahil nahuli nya akong nagpalabas ng hanging umiikot sa mga kamay ko habang nakaupo sa harap ng kubo namin.