CHAPTER 3
RAXIUS HOOBER
Nataliya's POV
Naging maayos naman ang pagkilala sa Prinsesa ng Wanderwie at wala namang nagtagumpay sa mga nag- babalak at nagtangka kay princesa Idera Wanderwie.
Grabe napakaganda nya, para siyang Ice Empress na kinukwento sakin ni ama noon.
Kulay nyebe ang kulay ng buhok at balat niya, mala anghel na mukha, napakagandang bilugan na labi, at ang mga singkiting mga mata niya ang isa sa mga nagustuhan ko sa kanya.
Kitang kita ko naman si Aver na titig na titig kay Prinsesa Idera, habang kinakausap nito si Garicko dahil sa matagumpay na pagbabantay at pag escort namin sa kanya.
Malamang ay nag papasalamat siya sa amin. Pero nagulat ako nang lumapit sa amin si prinsesa Idera.
"Bilang ganti sa inyo ay ibibigay ko ito sa inyo" at inabot ni prinsesa Idera sa amin ang mga kahon na kasing laki ng lagayan ng alahas at may kabigatan ito.
"Wag din kayo mag alala Nataliya susuportahan ko ang team ninyo. At kung may kailangan kayo sabihan nyo lang ako." nakangiting sambit nito at sabay kumindat pa ito sa akin.
"Sya nga pala, bale taga Legian Mercenary nadin ang magiging bantay dito. At ito ang grupo nila Markus pansamantala habang wala pa tayong bihasa sa ganitong klase ng mission." mahabang paliwanag ni Garicko.
Tumango naman sa amin si Prinsesa Idera na sumasang ayon dito.
***
Deivant's POVHabang naglalakad ako sa kagubatan at pabalik na ako sa Barracks ay may nararamdaman akong prisensya at pamilyar sakin ito, kaya mabilis akong pumunta sa kinaroroonan ng prisensya na iyon.
"Sabi na eh! Ikaw yan Raxius!" parang gusto kong magtatalon sa tuwa, dahil makakapaglibang narin ako.
"Dark magic: dark hold!" sigaw ko at may lumabas sa kamay ko na isang itim na enerhiya na nireplika ang kamay ko at kaya kong kontrolin ito na parang mga kamay ko rin.
Nakita kong nakangiting inilagan ni Raxius iyon pero hindi nya alam ang kaya kong gawin. Nag cast pa ako ng katulad na magic na ginawa ko kanina.
Mabilis kong ginalaw ang mga kamay ko na kumokontrol sa mga kamay na gawa sa itim na enerhiya. Natutuwa talaga ako sa kanya dahil para siyang langaw na paiwas iwas sa mga atake ko.
"Sandali lang bakit ba inaatake mo ako eh nasa iisang Mercenary group tayo diba?" turan nito habang iniilagan ang mga atake ko.
" Dark magic : countless bite" galing sa lupa ay nag labasan ang mga uuod na gawa sa itim na enerhiya at masaya akong pinagmamasdan ang mga uuod na ito na hinahabol siya. Habang ako naman ay kinokontrol ko ang aking dark hold.
Napahagalpak pa ako ng mahuli ko si Raxius ng aking dark hold.
Pero nagulat ako ng nawala ang kadiliman na nakabalot kay Raxius at bumukas ulit ang kamay na nakahawak sa kanya.
Teka ano?? Isang stuff toys na daga. Pakiramdam ko tumaas ang dugo sa ulo ko, dahil pakiramdam ko pinaglaruan lang ako ng hayop na iyon.