CHAPTER 5

86 21 137
                                    

CHAPTER 5

001WW: YES I WILL

NATALIYA'S POV

Hinihintay muna namin na makaalis yung tinatawag nilang Garoth. Pero nandoon parin siya at nakatayo. Naiisip ko na parang nararamdaman nya ang presensya namin kahit nakatago na ito.

"Alam kong nandiyan lang kayo sa paligid kaya lumabas na kayo." halos napalundag ako nang marinig ko ang sinabi ni Garoth at nakatingin pa kung saan kami nagtatago.

Hindi maari na alam nya na andito kami sa halamanan.

"Anong gagawin natin Beem-Beem?" bulong ko sa kanya.

"Ang sabi ni Raxius iwasan natin ang pakikipag laban hanggat maari."sagot niya at kalmado ito na parang meron siyang plano.

"Pero may naiisip ako." sabay ibinulong nya sakin ang plano at maging ako ay ginawa ko din iyon kay Aver na mahinang bumubungis-ngis dahil nakikiliti daw sya. Sus ubod ng landi nito!!

Naghintay pa kami ng mga ilang sandali dahil baka tama nga si Beem-Beem na baka nanghuhuli lang siya sa madaling salita sina-psycho lang kami nitong Garoth the carrot na ito. Pero kung totoo nga na alam nito na narito kami ay may plano na kami.

"Aba aba naiinip na ako." wika nito at humalukip-kip pa ito.

"Natilaya, at Aver humanda na kayo kung sakali." seryosong utos ni Beem-Beem sa amin.

"Ayaw nyo talaga magpakita ha!!!" wika Garoth the carrot.

Sa isang iglap ay nawala ito kaya naman ay naalarma kami nila Beem-Beem at Aver, matapos ay bigla naming naramdaman ang presensya nya sa taas namin.

"Ngayon na." sigaw ni Beem-Beem.

Hinawakan ko si Aver at Beem-Beem na nag-cast  ng magic shackles bago kami mawala sa pwesto namin, kaya parang umatake lang sa hangin si Garoth at nagkapalit na kami ng pwesto. Kami na ang nasa taas at siya na ang nasa baba at nakapulupot na agad sa kanya ang magic shackles na nai-cast ni Beem-Beem kanina bago kami nawala.

"Sige ibuhos nyo na lahat." utos ni Beem-Beem sa amin habang nasa taas kami ni Garoth the carrot.

Hinarap ko ang palad ko sa pwesto ni Garoth na nakatingala sa amin na bakas ang gulat sa mukha. Goodbye Garoth the carrot. "Wind Magic: Wind Spirit Blast". Matapos ay naglabas ako ng isang hangin na may nakabalot na magic energy at deretcho ito sa pwesto ni Garoth the carrot.

"Archery Magic: Pure hit arrow
accuracy: 100%
speed: 50%
destructive power: 80%
Overall: 76.6666667%." sigaw naman ni Aver habang nakaposisyon siya na parang mamamana at biglang may maliit na magical diagram at nag hugis itong palaso na gawa sa magical energy.

"Release!!!!!" sigaw pa ni Aver at mabilis na bumulusok ang palaso na gawa sa magical energy.

"Isa pa

Archery Magic: change arrow: Fire Arrow: Fire Arrow Ball

A:accuracy: 100%
B:speed: 50%
C: destructive power: 80%
Overall: 76.6666667%"

"RELEASE!!!." at isang apoy na hugis palaso naman ang sunod na tinira ni Aver.

Malakas  na pagsabog ang ginawa ng aming atake pero nagulat kami ng tumawa ng malakas si Garoth. "Wind Magic: Wind Cutting Disc." matapos ay may mga cutting disc na gawa sa hangin ang nag lipana, napakarami nito at papunta sa amin ito lahat.

Mabuti nalang at meron akong special ability at mabilis akong nakakakilos, at mabilis akong nawala at sinama ko si Aver at Beem-Beem. Ang aking special ability ay bata palang ako ay namaster ko na, nag cocoldown ito ng sampong segundo, pero depende sa layo nang pinuntahan mo.

MAGIC HEART: The Wind Empress (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon