CHAPTER IV
tug-tug-tug...
Naglalakad na kaming dalawa papunta sa tinitirhan nya daw ngayon pero hindi pa din nawawala ang kabang naramdaman ko simula kanina ng hawakan nya ako.
Dun nalang daw nya gagamutin ang mga sugat ko. Kung hindi naman kasi tanga ako at kung sana tinulungan nya ako, e di sana kumakain ako ngayon. Psh.
"Where are you staying?" Nilingon naman nya ako. Naglalakad kaming dalawa habang nakaalalay lang sya sa akin. Hello? Di po ako pilay.
"Somewhere near here. It's a small apartment."
"Apartment?! Are you kidding?!" Pasigaw kong tanong. Nababaliw na ba sya? Hindi ba dapat sa hotel sya dapat manatili? Paano kung biglang sumugod yung mga fans nya dito? Maswerte na nga kami dahil hindi sya kilala ng mga tao dito sa nilalakaran namin. Karamihan kasi ay puro matatanda na wala namang pakialam sa Kpop. At wala ring batang naglalaro dahil matirik pa ang sikat ng araw. Kung may madadaan man ay napapalingon lang sa kanya. Hindi sya gaanong makikilala dahil sa suot nyang shades. Pero kahit anong gawin nya, kapansin-pansin pa din sya.
"Why? What's wrong with that?"
"You should have stayed in a hotel. You're famous, right? What if your fans--"
"Nah. My manager already take care of that. Don't worry." Sabi nya lang at naglakad na kami papunta sa sinasabi nyang apartment.
Sobrang malapit nga talaga ng apartment na sinasabi nya sa school. Ilang bahay lang ang pagitan. At sa sandaling paglalakad namin nakarating kami sa tapat ng isang building na may dalawang palapag at may pintura na green. Dito lang pala. Alam ko 'to. Dito dati nakatira ang bestfriend ko nung elementary. Sa baba ay mga tindahan pero pag pumasok ka sa loob at umakyat sa hagdanan ay may mga kwarto.
Hinila nya lang ako sa taas at huminto sa tapat ng pinto. What the? Dito pa? Hahaha. Grabe. Dito dati nakatira yung bestfriend ko eh! Dito mismo sa kwarto na 'to!
Kinuha nya lang ang susi nya at pumasok na sa loob. Wow. Walang pinagbago. Well, nawala na yung karamihan sa mga gamit, pero ganitung-ganito pa din ang ayos.
Umupo ako sa isang sofa sa may gitna ng kwarto. At sya naman ay dumiretso sa kwarto nya.
Napaisip ako. Ang swerte ko ba? Marahil sa mga Kpop Fans, oo pero sa iba? Baka sabihin lang nilang, anong swerte dun? Tao lang din naman yun.
Hindi pa rin masyadong nagsi-sink in sa akin ang mga nangyayari. Totoo ba lahat ng nangyayari? Di kaya nananaginip lang ako? Pero di ko naman masyadong naiisip yung mga nabasa ko dating Fanfics eh kaya paano ko mapapanaginipan?
Di talaga ako makapaniwala na kasama ko ang isang member ng sikat na Kpop Group. At ang matindi, yung bias ko pa dati. Nakapagligtas ba ako ng bansa noong dating buhay ko at binibiyayaan ako ng ganito?
Iniisip ko lang kung gaano ako kagaling magtago ng feels nang lumabas si Kuya K na may dalang First Aid Kit. Nice. Boy Scout!
Lumapit sya sa akin at lumuhod sa harap ko. Di ko naman napigilan mag-blush. Wag kang malandi, Monica!
"Hey. Don't sit there. Sit here." At tinapik ko ang tabi ko para doon sya umupo. Tumayo naman sya at tumabi sa akin. Hinawakan nya lang ang kamay ko at tinitignan yung mga sugat. Kumuha sya ng bulak at betadine.
![](https://img.wattpad.com/cover/17157705-288-k579766.jpg)