CHAPTER III
"Well, the feeling is mutual." Imbes na pagkagulat at pagkainis ang makita ko, simpleng ngiti lang ang napansin ko. Nakita ko rin na mukha syang namangha.
Tatanungin ko sana sya nang biglang tumunog ang cellphone nya.
Matagal muna nyang tinitigan ang screen ng cellphone nya bago nya ito sinagot. Lumayo sya sa pwesto ko subalit may narinig akong mga sinabi nya. Hindi ko nga lang naintindihan dahil Korean ang gamit nyang lenggwahe.
Kahit Annyeong at Saranghae lang ang alam kong salitang Korean, halata naman na ito ang gamit nyang lenggwahe dahil sa paraan ng pagsasalita nya.
Gusto ko nga syang tanungin kung anong problema dahil nakakunot ang noo nya. May problema kaya? OMG... di kaya nalaman ng fans nya na nandito sya? Tapos biglang susugod yung mga yun dito? Tapos makikita nila ako at aakalaing may relasyon kami? Tapos bigla nila akong kukuyugin? Tapos papatayin nila a--
"Hey Nic." Nawala naman agad ang iniisip ko. Aish. Nababaliw na ata ako. W-wait. Anong tinawag nya sakin? Nic? Saan naman nanggaling yun?
"What did you call me?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Jazz said that your name is Monica and it's long, you know. So, I will call you Nic." Sabi nya sa akin ng ngiting-ngiti.
"Can you just call me Nica? I don't like Nic."
"No, no and no. Nic is cute." Nag-init naman ang pisngi ko dahil sa cute. Ano ba Monica? Yung Nic yung cute! Yung Nic! Di ikaw!
Sinide ko yung mukha ko para di nya masyadong makita ang pamumula ng mukha ko. Baka kung anong isipin nito eh. "Fine."
"Yayy." Parang bata nyang sabi. "And uhmm... I'm--"
Napaharap naman ako sa kanya. "No need to introduce yourself. I know your name."
Nagulat naman sya at napangisi. "I knew it! You're my fan!" Sabi nya at tumawa. Aba assuming ang lolo mo.
"I know you're name 'coz my friend told me." Napahinto naman sya sa pagtawa pero kita pa rin ang ngisi nya.
"Yeah yeah." Nakita ko naman na parang hindi sya naniniwala. Inirapan ko lang sya at nagpatuloy sa paglalakad.
Alam nyo yung nakakapagtaka? Yung biglang pagbabago ng mood nya. Oo. Alam kong inis sya sa akin. Halata naman yun sa mukha nya at pagsasalita. Pero, ngayon? Parang walang nangyaring inisan sa pananalita at kilos namin.
Hindi ko alam kung sobrang paranoid lang talaga ako pero pagkatapos ng tawag na y--. Aish. Nevermind.
"What building is this?" Tanong nya sa isang floor lang na building.
"It's H.E. Building. Home Economics."
"Oh." Sabi nya at parang sinisilip kung ano man ang mga nasa loob.
"Do you want to go inside?" Nakita ko namang nagulat sya at ngiting-ngiting tumango.
Naglakad kami papasok. Bukas naman ang pintuan. Baka may inaayos dito? Sabagay lagi namang nandito si Ate Weng. Yung nagluluto palagi dito. Nagse-serve as canteen din kasi ito. Yung kalahati, nandun yung mga projects ng mga estudyante, yung kalahati naman parang canteen.
Palakad-lakad lang kami sa loob. Hindi ko na binuksan yung ilaw dahil maliwanag naman. Alas-tres palang naman. Aish. Di pa pala ako nagtatanghalian.
![](https://img.wattpad.com/cover/17157705-288-k579766.jpg)