Chapter II

57 1 0
                                    

CHAPTER II

     "Ouch! Hey! What's your problem? I'm just going to ask where the Comfort Room is." Natulala lang ako sa kanya. Never kong naisip na makikita ko sya sa personal. Well, except sa mga daydreams ko na alam ko naman noon na hindi magkakatotoo.

     "Aish!" Nawala ang pagkakatulala ko sa kanya ng bigla kong napansin na parang naiirita na sya. "Are you just going to stare at me? Yeah, I know I'm handsome. Perfect to be exact. But, can you tell me where the Comfort Room is located. You can stare at my face later. You can also have my autograph. Just please, tell me." Tuluy-tuloy nyang sabi.

     Imbis na mamangha ako dahil straight sya mag-english hindi tulad ng sabi nila sa mga Korean Artist, e asar ang nangibabaw sa sakin. The Fvck? BAKIT ANG YABANG NYA?! Hindi ko kailangan ng autograph nya! Ibigay nya sa mga sasaeng fans nya! Hmp. Yabang! [Sasaeng Fans = Obsessed Fans]

     "Hey!" Muntik na akong mapatalon sa gulat ng sumigaw ulit sya.

     "T-there... J-just go straight... D-dun... ay... t-there..." AH! KAASAR! Bakit parang naubusan pa ako ng english?

     Nakakunot lang ang noo nya habang nakatingin sakin. Tingin na parang sinasabing "What?"

     "Monicaaaa! Yoohooo! Nasaan kaaaa?" Hindi ko na naituloy pa ang pautal-utal kong English ng marinig ko si Karylle na sumisigaw at hinahanap ako.

      Nakita naman nya agad ako at nagtaka kung sino ang kasama kong lalaki. Nakatalikod kasi si Kuyang Koreano sa pwesto nya samantalang ako ay nakaharap naman sa kanya.

      Nakita ko pa nung binuka nya yung bibig nya: "Sino sya?"

      Hindi pa man ako nakakasagot ay lumingon na sa kanya si Kuya K (Kuya Koreano). At kitang-kita kung paano sya biglang naestatwa na akala mo ay may tumubong ugat sa mga paa nya at hindi na sya makaalis. Buti nalang ay nakasara ang bibig nya.

     Hindi pa man sya nakaka-recover sa pagkaka-shock nya ay lumapit sa kanya si Kuya K. "Uhm. Hi? Where is the Comfort Room? I really need to go there. I'm asking her..." Sabay turo nya sa akin. Hoy! Wag mo kong maituro-turo! "...and I can't understand what she's saying. Is she out of her mind? Is she insane?" Aba! Hambalusin ko kaya ng dos por dos to?!

     "Oh. The Comfort Room? Just follow me, Sir. And.. just don't mind her." Sabi ni Karylle ng medyo naka-recover na sya. Aba, bwiset to. Don't mind her daw? Psh. Nginitian nya lang ako. Alam nyo yung ngiti na medyo nakakatakot na? Ganun.

     Mukha lang normal yan si Karylle pero sa kaloob-looban nyan ay nagwawala na yan. Mas malala pa yan

kay Michelle no. Paano ko nalaman? E sabay kaming nag-i-spazz dat-- err Nevermind.

     Pinanuod ko lang silang umalis. Pinanuod ko lang sya.

     Mas gwapo pala talaga sya sa personal...

     Nilibot-libot ko lang yung buong school. Pilit kong inaalis ang kabang naramdaman ko nung nakita ko sya kanina. Nakakainis. Akala ko wala na. Akala ko sapat na ang mahigit dalawang taon para makalimutan ko ang paghanga ko sa kanya. Akala ko lang pala...

     Tinititigan ko ang paligid. Nakakamiss din itong lugar na ito. Actually, dito ako nag-elementary. Kaya makita ko palang yung mga naging classroom ko dati, nakakalungkot na. Syempre maaalala ko din yung mga kaibigan at kaklase ko.

     Mga isang oras din akong naglakad-lakad ng mapagdesisyunan kong bumalik sa mini office namin.

     Pagkabukas na pagkabukas ko palang ng pinto dalawang pares ng mata ang sumalubong sa akin. Ate Jazz's and Kuya K's. Nung nakita ko syang nakatingin sa akin, muling nabuhay ang kaba ko. Hay.

      Nakaistorbo ba ako?

     "Hi?" Awkward kong bati sa kanila. Kitang-kita ko din ang pagkaasar ni Kuya K nung nakita nya ako. Hindi ba dapat ako ang maasar dahil sa mga sinabi nya kanina?! "I think, I gotta go?" Isasara ko na sana ang pinto ng magsalita si Ate Jazz.

     "No, Monica. Stay. I have something to tell you." Napatigil naman ako. Naglakad nalang ako sa bakanteng upuan malapit sa kanila. Bago umupo, sinulyapan ko si Kuya K, na-busy sa cellphone nya.

     "Monica, pwede bang ikaw ang umalalay sa kanya?" Sabi nya at saka tumingin sa lalaking mukhang walang pakialam sa gilid. "Ikaw lang kasi yung may pinakamaraming alam dito tungkol sa Korea so, alam mo yung mga pwed--"

     "Po? E si Karylle nalang po! Marunong pa yun mag-korean, ako hindi!" No no no. Ayoko please. Naiinis ako sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko! Argh.

     "Kung pwede nga lang e. Alam kong tatanggi ka kaso hindi pwede si Karylle. Uuwi daw sya sa Probinsya. Magbabakasyon."

     "Pero p--"

     "Please Monica please?" Aww. Ang sama ko ba kung tatanggihan ko ang napakabait na si Ate Jazz? "Please please please?"

     "Fine." Aish.

     "Waah. Thank you!" Sabi ni Ate Jazz sabay yakap sa akin.

     "So, Monica can you please tour this handsome young man inside the school?" Sabi ni Ate Jazz na ngiting-ngiti. Psh. Bakit ba ako pumayag?

     Feeling ko sobrang lukot na yung mukha ko. Pero may mas lulukot pa ba sa mukha nitong lalaking nasa harapan ko? Psh. Choosy pa ba sya?

     Ngumiti lang ako. Plastik na ngiti? Pwede din. Hay. "Hey. Come on." Sabi ko kay Kuya K. Walang gana syang sumunod sa akin sa may pinto. Nakita ko naman na ngumiti sa akin si Ate Jazz.

     Pagkalabas namin. Wala kaming ibang ginawa kundi maglakad. Ni walang nagsasalita sa amin. Konti nalang at mabibingi na ako sa katahimikan.

     Nung napansin ko na nasa may parteng garden na kami ay napagpasyahan kong basagin ang katahimikan.

     "Uhmm..." Napalingon naman sya sakin. Naghihintay ng sasabihin ko. "Uhmm..." Takte. Ano bang sasabihin ko? "Uh--"

     "If you're asking about my autograph, don't worry I will give it to you later even if you didn't tell me where the Comfort Room is." Sabi nya nang nakangisi at aba, kumindat pa ang mokong. The Fvck?

     "Excuse me, Mister. I don't need your autograph. I'm not your fan, okay? Give it to someone else. I don't even care about you." Nilagpasan ko lang sya. Nakita ko naman sa mukha nya ang pagkagulat. Kahit naman ako ay nagulat sa nasabi ko. Masyadong harsh? Amp.

     Ilang sandali lang ay naramdaman kong sumunod na sya sa akin at maya-maya'y nagsalita. "You know, I kinda hate you."

     Nagulat ako sinabi nya sa totoo lang. Kahit sino naman siguro maiinis o magagalit kung sasabihin kong wala akong pakialam sa kanya di ba? Pero nung sa kanya nanggaling ang mga sagot na yun, medyo... masakit.

    Huminga ako ng malalim at sumagot sa kanya.

     "Well, the feeling is mutual." Or not?

Lightstick ★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon