CHAPTER EIGHT
"LUIS, mamaya na iyang playstation," tawag ni Yhen sa pamangkin. "Maglunch muna tayo."
Nakaalis na ang ate niya noon. Diderestso na daw ito sa sakayan papuntang Baguio.
Sakbi niya si Katkat na hindi pa marunong maglakad.
Isa lang ang maid niya doon at busy pa sa gawaing bahay kaya wala siyang magagawa kundi iwihin muna ang pamangkin.
Para namang walang narinig si Luis. Tuloy pa din ito sa pagtutok sa nilalaro.
"Luis, I said maglunch muna tayo," may himig babalang tawag niya ulit.
Pero wa epek pa rin sa bagets. Hindi pa rin siya pinansin.
"Luis!" naiirita na siya.
Nang hindi pa rin siya pinansin ay ibinaba niya muna si Katkat sa sahig na sinapinan ng kutson at lumapit sa kuya nito. Pinatay niya ang playstation.
"Tita!" gulat na reklamo nito.
"Maglunch muna tayo bago iyan."
Nanubig naman ang mga mata nito.
Tila binuhusa ng tubig ang iritang naramdaman niya. Hindi niya malaman ang gagawin nang umatungal ito ng iyak.
Napangiwi siya. Nilapitan ito at inalo.
"Maglalunch muna tayo, Luis, before you play that playstation."
Pero nagtantrum lang ito.
Nang marinig sigurong umiiyak ang kuya, umiyak din si Katkat. Dali-dali niya itong nilapitan at kinarga.
Lalo namang lumakas ang iyak ni Luis.
Tarantang nilapitan niya itong muli. Hindi niya malaman kung sinong uunahin niyang patahanin. Si Luis ba o si Katkat?
Nakukulili na ang tenga niya sa lakas ng iyak ng mga ito. Para itong mga baboy na kinakatay!
Maski siya ay naiiyak na rin sa kunsume. Hindi niya alam ang gagawin.
Bigla namang may nagdoorbell. Pasigaw na tinawag niya ang maid na kasalukuyang naglalaba para pagbuksan ang kung sinong bisita na iyon.
"Tumahan na kayo, please!"
Lalo namang umiyak si Katkat at hinagip pa ang buhok niya.
Noon bumukas ang maindoor at pumasok si Jake kaholding hands si Cheryl.
Naluluhang napatingin siya sa mga ito.
"Jake.." Sumisinghot na tawag niya sa pinsan.
"What happened?" worried naman na sabi nito. Napatingin ito kina Luis at Katkat.
"Help me..." mangiyak ngiyak na sabi niya.
Napabunghalit ng tawa si Jake.
Lumapit naman sa kanya ang concerned na si Cheryl.
"THANK you sa pagdating niyo ha?" ani Yhen sa magkasintahan. "Kung hindi kayo dumating, baliw na ako sa mga oras na ito."
Natutulog na si Katkat at si Luis naman ay naglalaro na ulit ng playstation matapos pakainin ni Cheryl.
"Okay lang 'yon. No prob," nakangiting sabi ni Cheryl. Katabi ito ni Jake sa mahabang sofa.
Siya naman ay nasa pang-isahang sofa.
"Nagulat nga ako kanina eh," ani Jake. "Imagine? The full of confidence, Mayena Consolacion Medina. Natupi sa sa mga pamangkin?"
Nanlaki ang mga mata niya.
BINABASA MO ANG
YHEN: The Next Bride
RomanceNapakiusapan si Yhen ng pinsan niyang si Jake na magpanggap na girlfriend nito until maprove nito na mahal din ito ang babaeng nagngangalang Cheryl. Pero one day, nagpakilala si Cheryl ng boyfriend, si Loven Jay Salazar. First time niyang makita ang...