CHAPTER SEVENTEEN

4.3K 119 0
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

NAPABALIKWAS NG bangon si Loven nang dumapo ang malakas na sampal na iyon sa pisngi niya. Agad niyang tiningnan ang may gawa niyon.

"Lionel..." Nakasimangot na hinawakan niya ang nasaktang pisngi. "Bakit mo ako sinampal?"

"Sorry, Kuya. Napakahirap mo kasing gisingin eh. Kanina pa nagriring ang cellphone mo. Dinig na dinig sa labas. Since hindi naman naka-lock ang room mo, pumasok na ako at ako na ang sumagot."

Ibinagsak niya ang katawan sa kama at sinalat ang kumikirot na ulo.

"Sino bang tumawag at kailangan mo pa ako'ng gisingin?" nakapikit na sabi niya.

"Si Yhen ang tumawag, kuya..."

Napamulat siya ng mga mata. Tila biglang nawala ang lahat ng iniinda niya sa katawan nang marinig ang pangalan ng babae.

She's been on his senses since yesterday.

Nang ipagtapat nito sa kanya ang katotohanan ay pinakiramdaman niya ang sarili. Dapat ay makaramdam siya ng kirot sa puso sa kaalamang si Cheryl pala ang ikakasal kay Jake at hindi siya. Bagkus ay wala siyang naramdaman ni katiting na sakit. Lalo na ng mariin siya nitong halikan sa labi.

Tila nakahinga pa siya ng maluwag at gumaan ang pakiramdam niya sa nalaman.

Everytime he looks at her pretty face, lalo niyang napapatunayang wala na si Cheryl sa puso niya. Iba na'ng mukha at pangalan ang nakatatak doon. At si Yhen iyon.

Mahal na niya si Yhen. Ayaw niya nang paulit-ulit na lokohin ang sarili. He loves Yhen more than what he felt for Cheryl.

"Bakit tumawag si Yhen? Bakit hindi mo ako ginising?"

Tila gustong mapikon ng kapatid sa sinabi niya.

"Yhen is going back to New York."

"We all know that she will."

"Babalik na siya doon ngayon."

Napabangon siyang bigla.

"Kuya, inaway mo ba si Yhen? Hindi kita mapapatawad kapag nalaman kong sinaktan mo siya," seyosong saad ni Lionel. Masama ang pagkakatingin nito sa kanya.

Hindi na niya iyon pinagtuunan ng pansin.

"Hey, wait. Babalik na ngayon si Yhen sa New York?"

"Kasasabi ko lang. Tumawag siya kani-kanina sa phone mo para magpaalam. She said it's an emergency. I think somethings happen kaya kailangan niyang bumalik na."

'Emergency?'

May bumundol na kaba sa dibdib niya. Ano'ng nangyari? Baka kailangan nito nang tulong niya.

Agad niyang kinuha sa side table ang cellphone niya.

Subalit operator ang sumagot idayal niya ang numero ni Yhen. Muli niyang sinubukang tawagan ang dalaga. Pero gano'n pa rin. Malamang nakapatay ang phone nito.

Bumaling siya kay Lionel.

"Ano daw oras ng flight niya? Nasaan daw siya ngayon?"

"I don't know, kuya. Nagmamadali siya nang magkausap kami. Nagpaalam siya kaagad..."

'Shit!'

Landline naman ng bahay nito ang tinawagan niya. Maid nito ang sumagot niyon.

"Ay, sir Loven. Kanina pa po umalis dito sa bahay papuntang airport--"

"Ano'ng oras ng flight niya?"

"Alas otso y medya daw po..."

Napatingin siya sa orasan ng cellphone. Beinte minutos na lang at mag-e-eight thirty na.

YHEN: The Next BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon