CHAPTER EIGHTEEN

4.6K 123 0
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

"YHEN! Where are you? Malapit nang magsimula ang kasal ko! Wala pa ang maid of honor? Parang ikaw ang bride, ah!" talak sa kanya ni Jake pagkasagot na pagkasagot niya pa lang ng tawag nito.

"Jake, I'm hurrying na nga, eh!" Halos paliparin na nga niya ang kotse sa pagmamadali.

Actually, kadarating niya palang kaninang tanghali galing Paris. Pagdating niya sa bahay ni Jake ay inayusan na siya kaagad para makahabol sa kasal nito. Buti na lang at hapon gaganapin ang kasal.

"Okay, okay. Pero wag na wag mong iindyanin ang kasal ko katulad ng ginawa mo sa kasal nina Lionel Salazar at Allan Marquez."

Oo. Hindi nga siya sumipot sa kasal ng mga ito. Walang kinalaman si Loven doon. Nagkaroon kasi ng biglaang event sa modelling world sa Paris.

Pinagsama-sama ang mga pinakamagagaling at tanyag na designer sa buong mundo para sa isang fundraising sa mga nasalanta ng malakas na lindol sa isang bahagi ng France. Isa ang pangalan ng coutour shop nila ang napasama doon. Hindi niya basta-basta pwedeng iwan kay Clarisse ang lahat. Besides, mahalaga pa rin naman sa kanya ang career bilang model-designer.

"Ofcoarse! Nandito na nga ako sa Pilipinas, right? Ni hindi ko na nabasa ang invitation card ninyo dahil sa pagmamadali, eh."

"Alright. Basta, bilisan mo, ha? And take care also. Bye."

Inalis na niya ang earphone sa tenga at nagconcentrate na sa pagdadrive.

Sa pananalita ng pinsan, sure siya, nininerbyos ito.

Nakangiting napailing na lang siya.

Siya kaya? Kailan ikakasal?

Naalala niya si Loven. Sumilay ang matamis na ngiti sa labi niya.

Kumusta na kaya ito? Siguradong makikita niya ito sa simbahan. Nabanggit noon ni Jake na imbitado ito. Love treats Cheryl as a special friend, kaya nasisiguro niyang hindi nito matitiis ang babae.

Excited na siyang makita ang binata. Miss na miss na niya ito.

Narealize niyang hindi dapat siya nagtampo dito. Dapat pinuntahan muna niya ito sa bahay ng mga Salazara para makita at mahagkan for the last time. Kahit na masaktan siya, hindi niya dapat ito isinuko. Liligawan niya pa rin ang lalaking minamahal kahit umabot pa ng lifetime.

"Wait for me, Loven Jay Salazar!"

Ilang saglit pa at nasa harap na siya ng simbahan. Saktong palabas pa lang ang bride sa bridal car nito.

Mabilis na kinuha niya ang purse at lumbas na rin sa kotse niya.

Nilapitan niya si Cheryl at hinagkan sa pisngi. "Congratulations!"

Ngumiti ito. "Thank you, Yhen. And welcome home. I'm sure matutuwa si Loven kapag nakita ka."

'I hope so!'

Dama niya ang panlalamig sa palad ni Cheryl nang hawakan niya iyon at pisilin.

"Relax."

Nakangiting tumango lang ito.

Nagsimula na ang wedding march. Umayos na ang mga kasali sa entourage.

Pagbungad niya ng simbahan ay nahigit niya ang kanyang paghinga. Nahagip kasi ng paningin niya si Loven na nakatayo sa harap ng altar. Katabi ito ni Jake.

Ibig sabihin... bestman si Loven!

Napasinghap siya ng magtama ang mga mata nila.

Nabasa niya sa mga mata nito ang paghanga nang makita siya. There's also longing in his eyes. Mukhang pareho lang sila ng nararamdaman. Siya man ay napahanga sa kakisigan nito sa suot nitong puting tuxedo.

YHEN: The Next BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon