CHAPTER ELEVEN

4.2K 113 0
                                    

CHAPTER ELEVEN

IPINAGKIBIT-BALIKAT na lang ni Yhen ang paglayo ni Loven sa kanya.

Pagkatapos nilang maglunch ay nagsidatingan na ang mga present sa entourage. Naging busy na siya.

Pero gayunpaman ay masaya naman siya dahil palaging nahahagip ng paningin niya si Loven. Minsan ay nagtatama pa ang mga mata nila. At, as usual, hindi niya mapigilang ngumiti ng matamis dito.

Wala naman siyang problema sa mga bata dahil inaalagaan ang mga ito ng magkasintahan. Minsan ay nakikita niya pang karga ni Loven si Katkat at nilalaro ang bata. Nakangiti pa ito.

Naisip niya tuloy na sana ay siya na lang si Katkat. Ni minsan ay hindi pa siya nangitian ni Loven ng gano'n kagenuine.

Gabi na ng matapos ang sukatan.

"Yhen, ang mabuti pa ay dito na lamang kayo magdinner," ani Mrs. Salazar.

Nasa sala sila noon. Katabi niya sina Mr. & Mrs. Salazar sa mahabang sofa. Nasa single seater naman si Lionel karga si Katkat at nasa game room naman sina Allan at Luis. Si Loven naman ay namataan niyang nasa veranda. Pupuntahan niya sana ito pero sumingit naman ang mag-asawang Salazar.

Bubuka pa lang ang bibig niya ng magsalita si Lionel.

"Wag na wag kang tatanggi, Yhen. Magtatampo kami sa'yo."

Natawa siya.

"Nel, hindi naman ako tututol eh. Gusto ko ring magdinner dito." 'Gusto kong makasalo ang kuya mo.'

Nang mabasa ni Lionel ang laman ng utak niya ay natawa ito.

"Kung gano'n ay kumain na tayo. Nagugutom na ako, ah," ani Mr. Salazar.

"Kahit kailan naman ay gutom ka," buska dito ng asawa. "Hindi ka naman tumataba."

Nagkatawanan sila.

Napakamot naman ng ulo si Mr. Salazar.

"Tutulong lang akong maghain, mom, dad, Yhen." Pagkatapos ibigay ni Lionel sa kanya si Katkat ay pumunta na ito sa komedor.

"Nag-aaral na talagang mangusina ang bunso natin, Lodie."

"Oo nga. Parang ako lang no'ng ikakasal tayo."

"Natuto ka naman bang mangusina?" ito naman ang nambuska sa asawa.

Tumatawang hinampas ito ng ginang.

Nangingiti na lang siya habang pinagmamasdan ang paglalambingan ng mga ito.

"Ibinubuko mo naman ako kay Yhen."

"Naku, don't mind me po. Natutuwa nga po akong pagmasdan kayo. Sweet pa rin kayo hanggang ngayon."

"By the way, iha. Sabi mo ay vacation mo lang dito. Baka naman hindi ka makaabot sa kasal?"

"Hindi nga po ako aabot, tita. Kasi po next month. Kailangan ko nang bumalik sa New York. Pero napag-usapan na namin iyan nina Lionel. Kahit ano pong mangyari, pupunta ako sa kasal nila."

"Eh, ikaw. Kelan ang kasal mo?"

Nabigla siya sa tanong ni Mrs. Salazar.

"Ho?"

"O, wag mong sabihing wala ka pang nobyo?" sabi naman ni Mr. Salazar. "Ano'ng ginagawa ng lalaking isinama mo sa party?"

Napangiwi siya. Naalala niya si Jake.

"Naku hindi ko po yun boyfriend. Pinsan ko lang po siya."

Tingin niya ay lalong lumapad ang pagkakangiti ni Mrs. Salazar.

YHEN: The Next BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon