2

733 4 0
                                    

*****Fast forward*****

Pagkarating namin sa room, nagulat talaga ako as in!, kasi naman, hindi ka ba magugulat kung pagkarating na pagkarating mo palang sa room eh, makikita mong lahat ng kaklase mo, mapababae man o bakla, eh hindi magkadaugaga sa pagpapaganda( kung may ikakaganda pa sila). Wow, ang sama ko noh?

Ganyan talaga pag-ipinanganak ka nang maganda *smirks*

Pumunta nako sa vacant seat ko which is sa pinakalikod, aba, mahirap kayang matulog pag nasa unahan ka, lalo na kapag ang boring magturo ng Prof. Mo

"Ok class take your seats, magsastart na tayo ng lesson natin for today, but for now, jet me introduce to you the transferee. Iho, please come in"
- sabi ni Prof.

Ok, paki ko ba sa kanila? Mabuti pa sigurong tapusin ko nalang ang pinapanood kong anime, tss.

"Hi everyone, my name is Rage Cannon Saavedra blah blah blah--"

So paki ko kung siya si Rage Cannon Saaved----

Wait what?!

Pagtingin ko sa unahan

*gasps*

No! It couldn't be---


Him!!

Lord, ba't ang unfair niyo sakin?

After 3 years, ang dami ng nagbago sa kanya

Yup, siya iyong ex ko. Iyong ex kong nabigla nalang ako isang araw na nakikipaghiwalayan na pala siya sakin. Iyong ex kong, pagkatapos kong ibigay ang lahat-lahat, iniwan lang ako. Iyong ex kong hindi man lang nagbigay ng rason kung bakit niya ako iniwan. At iyong ex kong, hanggang ngayon ay mahal ko pa!!

Oh please, tears makipagcooperate naman kayo kahit ngayon lang ha? Please hwag kayong tutulo please!!

Pinagmasdan ko ng mabuti ang mukha niya.

Mas nagmature na iyong face niya at (nakakahiya mang aminin) mas gumwapo siya.

Napaiwas nalang ako ng tingin

"Okay, you may seat infront of Ms. Callahan"

Ay poste ng kuryente!! Bat dito pa? Tinutorture niyo ba ako maam? Alam kong hindi tayo bati pero naman kasi eh..

"Callahan?" Parang nagulat pa na tanong niya kay maam then he inilibot niya ang paningin niya sa klase, then stopped pagkakita niya sakin.

"Ah yes? She's the girl sitting at the back malapit sa bintana" sagot naman ni maam

"Ah, can I have a favor? Pwede po bang sa tabi nalang niya ako umupo?" aba, anong gustong palabasin ng isang ito?

"Ok fine, go now!"

At iyon nga, umupo na siya sa tabi ko

Ako? Ito straight face, hwag kang lilingon!!

"Hoy babaita!!" Tawag naman sakin ni Josephine

"Ano?" Sagot ko naman

Take note, hindi kami nagbubulungan, para lang kaming normal na nag-uusap na para bang walang teacher sa unahan.

"Iyong flavor of the hour mo nasa labas!!"

"Ha? Talaga? Sino nga ulit iyon Jos? Di ko na maalala pangalan niya eh, papuntahin mo nga siya dito"

Oh diba, parang reyna? Eh reyna naman talaga ako dito sa school eh kasi ang family namin ang may-ari nio kaya pati mga Teachers walang angal at ang mga walang hiya kong schoolmates, binansagan pa akong Campus playgirl.

Edi wow

"Gaga, si Ren iyon!! Papuntahin ko na?"

"Oo, go!!" Pagtataboy ko sa kanya at kinuha agad ang lipstick ko sa bag.

Pagkatapos kong maglipstick, kaagad kong kinabig paharap sakin si Rage at hinalikan

"What is the meaning of this?!!"

Tbc.

The Ex's ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon