6

509 4 0
                                    

5:30 pm. na, kanina pa ako naghihintay dito kay Fire sa rooftop. Nasaan naba iyon?

Pinagtritripan lang yata niya ako eh.

After 10 min. na paghihintay, dumating din siya sa wakas, na may kasamang isang lalaki.

Ano ito?!

"It's him, he is my BOYFRIEND, ok kana? Break na tayo"

-sabi niya sa kasama niya.

So, ano na naman ito? Ginawa na naman niya akong pa-in.

"What?! Akala ko ok na tayo, we were even kissing kanina."

hindi makapaniwalsng sabihin ng lalaki.

"Look, Merk, Mark or whatever your name is, I'm so SORRY talaga, Ok? It's not you, it's me, so please let me be."
-medyo may pagkasarcastic na saad niya.

"It's not you, it's me, so please let me be"

Nag-echo bigla sakin ang sinabi ko kay Fire noon.

Hindi ko akalain na magiging ganito siya.

Isang Playgirl.

"Ay, nakalimutan ko, ikaw pala ang CAMPUS'S PLAYGIRL, akala ko kasi seryoso na eh, sorry ha. Pare, kung ako sayo, hihiwalayan ko na iyan hanggang maaga pa bago ka niya ibasura." Sabi ng lalaki tsaka umalis na.

CAMPUS'S PLAYGIRL?!

Hindi naman siya dating ganito ah.

"What was that all about?! Hindi ako pa-in para gamitin mo sa pakikipagbreak sa lalaki mo!" galit na sabi ko sa kanya

"Opps, sorry ok? Hindi naman iyon sinasadya eh, kasalanan ko bang mga tanga sila? At kailangan pa talagang gumamit ako ng iba para lang makontento sila?"

Naririnig niya ba sinasabi niya?

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo, ha? Anong akala mo sa kanila? Walang puso?! Na basta mo nalang paglalaruan at pagnagsawa kana itatapon mo nalang ng basta-basta?!!"

Galit na sigaw ko sa kanya

Nakakainis na kasi.

"Oo, mga wala silang puso KAGAYA MO!! Hindi ba't INIWAN MO rin ako non sa ere?! Nang dahil SAYO, NAWALA ANG ANAK KO!! KUNG HINDI MO KO INIWAN NON, BUHAY PA SANA SIYA HANGGANG NGAYON!!"

"A-anak?"

Parang naningas ako sa kinatatayuan ko.

Nagkaroon kami ng anak?




TBC.

The Ex's ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon