7

472 3 0
                                    

Fire's POV

"A-anak?"

Patay, ba't ko nasabi iyon. Naman eh.

I laugh nervously.

Anong gagawin ko?

"H-haha, anong pinagsasabi mo? Anong a-anak?"

Rage's POV

Umilap ang mata ni Fire at kung saan-saan siya tumitingin.

"Don't fool me, Fire. N-nagkaroon tayo ng a-anak? Tell me."

My voice broke. Hindi parin maabsorb ng utak ko ang nangyayari.

"Anak? Anong pinagsasabi mo diyan? H-haha, uwi na nga lang ako, nakalimutan ko na ang sasabihin ko sa'yo eh."

Akma na sana siya aalis ng higitin ko siya.

"Stop fooling around will you?! Tell me fire, nagkaroon ba tayo ng anak? Please, tell me, I deserve to know."

Bigla ata siyang nagalit sa sinabi ko

"You think deserve mo na malaman ang bagay na iyon? Baka nakakalimutan mo, ikaw ang NANG-IWAN. Iniwan mo ako ng hindi mo manlang sinasabi ang DAHILAN!! Bakit nga ba Rage? Bakit mo ko INIWAN?!"

Galit na sumbat niya sa akin.



Fire's POV

Hindi siya nakasagot sa tanong ko at umiwas lang ng tingin.

Natawa nalang ako ng pagak.

"Alam mo Rage, kung may tao man ditong mas deserving sa Explanation, ako iyon. Kasi ako iyong INIWAN, ako iyong iniwan ng walang DAHILAN. Hindi mo ba alam kung ilang araw, gabi kong iniisip ang mga pwedeng dahilan kung bakit mo ko iniwan? Kasi Rage, hindi ako manghuhula, wala akong lahing manghuhula. Kaya naman please lang, sabihin mo na. Kasi malapit na akong mabaliw eh."

Umiiyak na pala ako, hindi ko man lang naramdaman.

"Sabihin mo nga Rage, minahal mo ba ako?"








TBC

The Ex's ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon