CHAPTER 2

10 0 0
                                    

CHAPTER 2


JEWEL'S  POV


"Wake up my little sunshine. Andito na tayo." Naalipungatan ako sa sinag ng araw. Nasan na ba kami?


"Ma asan na po tayo?"


"Andito na tayo sa New house natin. Tumayo ka na dyan at aayusin pa natin yung gamit sa loob." Tumayo na nga ako at nag unat. Ang sarap ng simoy ng hangin dito. Napakalamig at nakaka refresh ng utak.


Binaba ko na yung ibang gamit sa kotse at ipununta sa loob ng bahay. Maganda naman itong bagong bahay namin. Second story house siya at hindi gaanong masikip unlike don sa dati naming bahay, ang sikip or sadyang marami lang talaga kaming gamit don?


"Ma san ko ilalagay to?"


"Ilapag mo muna dyan nak." Binaba ko na yung karton sa ibabaw ng  lamesa. Nilibot ko ang mata ko. Ang ganda nga dito. Umakyat agad ako sa taas para makita ko yung magiging kwarto ko.


"Anak ayusin mo na yung gamit mo at mag uusap tayo mamaya." Bumaba ako at kinuha ko na yung mga gamit ko. Inayos ko ka agad yung mga gamit ko sa loob ng kwarto ko. Gusto ko ng malaman kung bakit kami lumipat. Ang hirap ng walang nalalaman eh tsaka malay mo matulungan ko sila mama sa problema nila ngayon.


"Ay ma asan po pala si papa?"


"May pinuntahan. Wag ka ng magtanong at ayusin mo na yang gamit." Tumahimik nalang ako at nagtuloy sa ginagawa ko. Ano bang nangyayari? Bakit ba sila mukhang problemado. Napatayo agad ako. Lagot baka nalaman nila mama na binubully ako sa school kaya siguro itratransfer nila ako in other school. Kasi naman Jewel eh dapat kasi huwag kang umuuwi hanggat namumula pa ang mata mo. Mamaya mamoblema sila sayo. Dapat hindi ka maging pabigat at wag mo sila bigyan ng panibagong problema.


"Anak." Napahinto ako sa ginagawa ko at tumingin kay Mama na nasa pinto.


"Alam mo ba kung bakit tayo lumipat?" Umupo si mama sa kama ko. Sumunod naman ako sa kanya.


"Hindi po. Ano bang reason ma?" Huminga siya ng malalim at nagsalita.


"Ganito kasi anak. Nagkaroon ang papa mo ng utang. Mga nasa 1.5 million." Nabigla ako sa sinabi ni mama kaya napatayo agad ako. 1.5 million?! Kalaking pera naman yon.


"Umupo ka nga. Kaya tayo lumipat ng bahay anak para makahanap ang papa mo ng new investor. Kaya wala rin siya ngayon dito. Nascam kasi tayo nung Cooperative. Naghulog ang papa mo don ng mahigit isang milyon para itago yung pera at para rin hindi magastos. Tsaka para maging secure rin yung money, hindi kasi natin yon pera. Pera yon ng business partner ng papa mo. Tapos nagulat nalang kami hindi namin matawagan yung Cooperative na yun. Pumunta kami sa office nila at wala ng tao doon. Nangutang kami sa iba nating kamag anak na nadoon kaso kulang iyon anak." Tuluyan ng umiiyak si mama. Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang likod niya. Ayokong nakikitang nahihirapan ang mga mahal ko sa buhay. Mas maganda ako nalang wag lang sila mama. Di ko na napigilan at napaiyak na rin ako.

When A Bad Boy Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon