CHAPTER 1

14 1 0
                                    

CHAPTER 1


JEWEL'S  POV



"You're a pathetic and loser."


"Hindi ka nababagay dito."


"Kaya nga. Bawal ang mga aso sa lugar na to. Nakakapagtaka nandito ka." At bigla nila akong binuhusan ng sukang puti. Bat ba ganito sila sa akin wala naman akong ginagawang masama ah.


"Yan. Hindi ka lang amoy aso. Amoy putok ka pa." At sabay sabay silang nagtawanan.


"Yuck kadiri ang asim. Hahahah"


"So eww. Tara na nga. Magtatime na."


At umalis na nga sila habang ako naman naiwan dito sa likod ng school na umiiyak. Hindi ko mapiligan. Sanay na ako pero bakit ang sakit parin. Sobrang harsh na nila sakin? Tao ako at hindi hayop. At ang totoong hayop samin ay sila.


"Okay why are you late Ms. Fernandez? Is there something wrong?" Bungad na tanong ni Ma'am Sheryl nang pumasok ako sa classroom.


"Ahm. Wala po ma'am." Ngumiti ako para hindi naman halatang galing ako sa iyak at sa pang aapi nila Sandy.


"Bakit namumula ang mata mo. Umiyak ka ba?"


"Hindi po ma'am. Napulingan lang po kanina habang naglalakad. Ang lakas po kasi ng hangin eh." Pagsisinungaling ko. Ayokong sabihin ang totoo. Ayoko lang mamoblema yung mga taong mababait sa akin. Unless yung tatlong babae na namomoblema parin hanggang ngayon kung ano na naman ang gagawin nilang hindi maganda sakin.


"Eww. Ano yung amoy na yun?"


"Kaya nga. Kabaho."


"Kaasim. Amoy suka."


"Yuck kadiri."


Bigla naman silang nagsilayuan sa akin. Yung iba naman lumipat ng mauupuan. At kita mo sa mga mukha nila kung gaano sila nandidiri sa akin na parang may malala akong sakit na nakakahawa.


"Okay class qiuet. Magpabango nalang kayo para maalis yung mabahong amoy."


"Ma'am." Biglang tumayo si Sandy.


"Oh bakit Ms. Rodrigez?"


"Ma'am kahit naman maligo pa kami ng pabango hindi parin maalis yung masangsang na amoy unless paalisin yung taong mabaho dito sa classroom para makangiha naman kami ng maluwag. Diba?" Sumang ayon naman ang iba kay Sandy. Tumingin siya sa akin at umirap. Kita sa mga ngiti niya na nagtagumpay siya sa mga plano niya.

When A Bad Boy Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon