Chapter 4

2 1 0
                                    

CHAPTER 4


Jewel's  POV


Lumipas ang isang linggo nang hindi ko na mamalayan dahil sa dami ng mga reports at requirements sa mga subjects ko. Akala ko magiging maganda ang school year ko here pero sa tingin ko hindi magiging madali. Isang linggong walang pahinga at sobrang nakakapagod dahil sa mga school requirements na hindi matapos tapos. Nakakapagod maging college student!!!

"Bising busy ka dyan ah. Here." Napaangat ang tingin ko sa nagsalita. Nilapag naman ni Liana sa ibabaw ng mesa yung burger at isang coke in can na binili niya. Andito kami ngayon sa favorite spot namin. Dito sa likod ng music building. Tinatapos ko yung requirements sa philosophy subject ko, deadline na bukas eh.


"Oy babaita mukhang ang ganda naman ng buhay mo. Wala kang ginagawa." Sabi ko habang nagtatype sa at deretsyo lang ang tingin sa laptop ko. Kanina ko pa kasi siya nakikita na palakad lakad sa campus at walang ginagawa samantalang ako iihi lang hindi pa pwede kasi sayang yung oras ko papunta at pabalik dito.


"Well tapos ko na." Napatingin naman ako sa kanya. Eh?


"We? Hindi pa nga kita nakikitang gumagawa ng kahit anong requirments tapos, tapos mo na agad. Ang galing mo naman idol." Napatawa naman siya.


"Wag mong sasabihin to ah." Lumapit siya sa akin at may binulong.


"Pinagawa ko yun sa isang commoner. Tapos binilhan ko lang siya ng pagkain niya. Ang easy diba?" Sagot nito. Grabe tong babaeng to.


"Pagawan mo nga rin ako, kanina pa ako nagtatype dito pagod na ako at hindi pa ko matapos tapos dito." Sabi ko. Well pagod na talaga ako at sa tingin ko hindi ko na kaya. Sa totoo lang ayoko talagang gumagawa ng mga ganito pero no choice ako ngayon, masungit kasi yung prof tsaka natatakot akong bumagsak baka kasi magrepeat ako eh kamahal pa naman ng tuition fee rito. Remember may money problem kami ngayon. Ayokong mamoblema sila mama. Buti nga nakapasa pa ako last sem. Nakakuha ako ng 79 na grade hahaha.


"Sige ba. Papuntahin ko siya dito wait tawagan ko lang." Nagsimula na siyang magdial sa phone niya samantalang ako inaayos ko na yung gamit ko at nag unat. Sa wakas makakapagpahinga din ako. Gimik nga kami mamaya.


"Papunta na siya. Dala niya narin yung mga requirements ko na natapos niya. Oy maging mabait ka sa kanya tsaka ilibre mo siya para pumayag. Lonely siya kaya samahan natin lalo na kung kailangan natin siya." Nagiging bitch na naman siya. Well sanay na ako sa ugali niya.


"Oh ayan na pala siya eh." Napatingin naman ako sa babaeng paparating sa amin. Mukhang nerdy nga.


"H-hi sa inyo." Sabi ng babaeng nerd sabay ayos niya ng kanyang salamin.


"E-eto nga pala yung pinapagawa mo sakin tapos na." Inabot ng babae yung green na folder kay Liana.


"Thank you ha. Kung wala ka hindi ko na alam ang gagawin ko. Maraming salamat Celine. By the way I have one favor pa."


When A Bad Boy Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon