Mismo ng araw na yun narealize ko yung sabay naming sinabi ni Mike kay Dianne.
"Subukan niya lang at di na niya ako magagalaw."
"Subukan niya lang at di na niya ako magagalaw."
"Subukan niya lang at di na niya ako magagalaw."
Hindi ko maintindihan pero ilang linggo na rin yang paulit ulit sa utak ko. May something sa akin na bigla na lang akong nagiging hyper pag naaalala ko yung sinabi niyang yun. Well kaming dalawa ang nagsabi, pero sinabi niya rin eh.
Tsaka bakit ba ako nagkakaganito? Eh duh, usapan kaya namin yun. Since nag start yung make out sessions namin, nagpromise kami sa isa't isa na walang iba kung di kaming dalawa lang. Pero hindi ko maiwasang kiligin? Oo, na kinikilig na ako. Alam niyo namang may gusto ako sa kanya eh.
Well, ilang linggo na ba ang nakalipas? Natapos na yung masakit sa ulo na thesis, pero medyo-- teka mali, hindi na pala kami nagmemake out sessions ni Mike. Last week lang nagstop. Nababahala ako baka mamaya may sakit pala-- no! Paranoid na ako. Wala siyang sakit. Pero wala eh. Nagkikita kami and naguusap as friends sa school at bondings pero wala na talaga. Hay!
"Huy Marie! Ano yang tinutungatunganga mo diyan? Kanina pa kaya kita kinakausap? Nakikinig ka ba?" sunod sunod na singhal ni Kyle sa akin. Girl siya, wag kayong maconfuse sa pangalan.
"Ah, wala. Ano nga ulit yung sinasabi mo?" napairap na lang sa akin si Kyle.
"Whatever Marie! Sa dinami rami ba naman ng sinabi ko sayo bakit ko pa uulitin. Bahala ka diyan. O sige time ko ng pumasok, ang boring mo kasama, parating na yung mga HS friends mo. Babush." dinirty finger ko pa siya bago siya umalis. Binelatan naman ako pabalik.
At ng makalayo si Kyle, saktong dumating ang mga tropa.
"Yow, Marie! Bakit umalis na kaagad si Kyle?" tanong ni Chris na kararating lang kasama nung iba.
"Ah, may klase pa. Buti nandito na agad kayo at nagugutom na ako." napailing na lang sila sa akin.
"Hahaha, nagugutom ka na lang palagi kapag magkasama tayo, baka hindi naman pagkain ang gusto eh." punto ni Ivan sa akin.
Napatingin naman ako kay Mike at si Mike na nakatingin ng masama kay Ivan.
"Hahaha, chill Mike! Hindi na kayo nagaano diba? Since last week?" napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.
"How did you know?" tanong ko kay Ivan.
"Tuwing tatawagan ko kasi si Mike ng gabi, wala na akong naririnig na ibang boses sa kabilang linya o kaya minsan kasi si Marie ang sumasagot." paliwanag naman ni Ivan.
"Eh ano naman? Masama bang magpahinga? Duh, nakakapagod din kaya." natawa naman sila sa sinabi ni Mike.
Well not me. Ewan ko pero parang bigla ko tuloy gustong ayain si Mike at mag make out. Naoffend ako sa sinabi niya.
Ok, ang paranoid ko. Duh? What so offensive sa nakakapagod? Eh sa pagod na siya eh.
Eh baka naman kasi hindi ka na magaling? Your not satisfying him enough na kaya napagod na? Mabilis na magsawa ang boys well siya ay gay kung siya lagi ang kumikilos.
BINABASA MO ANG
Since that Day
Short StoryWhat if one day, dahil sa hindi inaasahang pangyayari, magugulo ang buhay mo at ang pagkababae mo? Na dahil sa araw na yun, isang kahindik hindik pero masarap na pangyayari ang nararanasan mo? Handa ka bang mahulog sa kanya kung isang laro lang pala...