“Saan mo ako dadalhin ha? Saan?!?!?” Pilit akong pumipiglas sa hawak ng isang matanda habang dinadala niya ako kung saan. Pero ayaw sumunod ng katawan ko. Nanghihina na ako at unti-unting lumalabo ang aking paningin. “Ano bang kailangan mo sa akin?” Pero may mas malaking tanong na bumabagabaag sa isip ko: Sino ako?
Bigla siyang lumingon pero masyadong malabo na ang mga mata ko para makita ang mukha niya. Kahit hindi ko siya nakikita nang maayos, tila nakakatakot at nakakamatay ang tingin nito. Suot niya lang ang naaaninag ko. Labgown. Isang peklat sa paa na galing sa isang matalas na patalim. Sa sandaling pagtigil niya ay nalaman ko agad na hindi ko siya dapat galitin. Pinagpatuloy niya ang pagkaladkad sa akin. Pilit kong inaalala ang buhay ko pero ang sumasagi lang sa isip ko ay tunog ng kampana, busina ng kotse, sigaw ng babae at paghagulgol ng bata. Kung ano ito hindi ko rin alam. Subukan kong humingi ng tulong? Hindi pwede. Parang nasa ilalim kami ng lupa. Napapalibutan kami ng mga bakal at computer.
“May kailangan kang gawin—“ napaubo ang aking mambibihag. Malaki at napakalalim na boses ang bumati sa akin. “May kailangan kang gawin para sa akin,” pagpapatuloy niya. Umupo siya sa isang folding chair at iniharap ako sa kanya. Kahit katiting na lakas ay wala na akong maramdaman kaya napahiga na ako.
Inipon ko ang lahat ng lakas ko para sumagot. “Bakit ako?” yan lang ang nakaya kong sabihin. Hindi niya ako sinagot. Binuksan niya ang isa sa mga computer at nagsimulang magtype. Biglang yumanig ang kwarto at nagsibukasan ang iba pang makina. Sa gitna ng kwarto ay nakita ko ang isang silindrikong bakal. Hinawakan niya ang buhok ko at kinaladkad patungo dito. Lumaban ako. Napaupo siya sa ginawa ko. Nagulat ako. Hindi. Natuwa ako. May pag-asa na ako. Makakatakas na ako sa pasakit na ‘to. Sa buong oras ng pagtigil ko dito, ngayon ko lang naramdaman ang pag-asa. Ngayon ko lang naramdaman na may magagawa na ako. Hindi siya nagatubiling sipain ako sa tiyan. “UGH!”. Hinagis niya ako sa kung ano man iyong silindrikong yon. May pinindot siya sa laptop at biglang nanginig ang kulungan ko.
“Kailangan mong itama ang sarili mong pagkakamali." Nawalan na ako ng malay.
BINABASA MO ANG
Pagsisisi ni Henry (Complete)
RandomKung kaya mong suwayin ang tadhana, anong gagawin mo? (If ever may nakita kayong typo, wag magatubiling magcomment salamat katoto! haha) Feel free to leave any reviews/comments. All Rights Reserved 2014 © Kyubiform