Tumatagaktak ang pawis ko. Kasing bilis ng kabog ng dibdib ko ang pagkaubos ng natitira pang oras. Hindi ko na mataandaan kung gaanong kalayo na ang natakbo ko. Nasa gitna ako ng naglalakihang gusali. Kailangan kong umabot. Kailangan kong mapigilan ang mangyayari. Basangbasa ang buhok at malapit na bumigay ang katawan ko. Mas lumalalim na rin ang paghinga.
Kaya ko pa ba?
Pagdududa ko sa sarili. Pero sa sandali din iyon ay nagsimulang bumalik ang memorya ko. Ang masasayang araw kasama ang pamilya ko. Pagbili nila sa akin ng laruan sa kaarawan ko. Pagtulong sa akin kapag may problema. Mga araw na ayaw kong makalimutan. Kahit na may mga pagkakaton na gusto kong mawala si papa, may mga magagandang alaala pa ring dapat maranasan ang batang ako.
Gaanong kalayo pa ba?
Tinignan ko ang bagay na binigay sa akin ni Henry. Ang sarili kong nagpadala sa akin sa pahanong to. Mapa para malaman kung saan ko papatayin si papa. Inalala ko ang huli naming paguusap sa time machine.
“Video002 playing”
“Sa sandaling ito ay bumabalik na ang ilan sa mga alaala mo. Pinainom kita ng gamot para makalimutan mo ang lahat at manghina ang katawan mo. Sinundo kita sa panahon kung saan gagamitin mo ang time machine para mapatay mo na si Papa. Alam kong hindi kita makakausap ng maayos kaya—“
Mahahalata mo sa boses niya pinipillit niya lang maging malakas. Para bang may sakit siya o kung ano. Pero ang mga matang akala ko’y takot lang ang maibibigay ay napupuno ng paghihinagpis at kalungkutan. Kaya pala wala akong maalala na kahit ano. Kaya sa buong oras na ‘to ay blanko ang laman ng utak ko. Pero bakit kailangan niya akong saktan? Bakit kailangan niya ‘kong pahirapan?
“Pansamantala lang ang gamot kaya matapos ng ilang oras ay siguradong babalik na lahat ng alaala mo. Kung sa panahon ng pagpapadala ko sa’yo ay nasaktan kita. Tama lang yun. Inis na inis ako sa sarili ko. Matindi ang galit ko sa ating sarili, Henry. Nagtagumpay tayo sa plano natin..”
Dama ko ang gigil sa bawat salitang binitiwanan niya. Anong gagawin ko sa hinaharap para kainisan ko ang sarili ko ng ganoon? Nagkaroon ng munting saya ang puso ko. Naalala ko yung panaginip ko kanina. Kung gaano kasahol ang hayop na tatay ko. Dapat lang sa kanya ‘yon. Sino ba namang may matinong utak ang gagawa ng ganong kasamang bagay. Hindi lang sa akin, pati sa pinakamabait na tao sa mundo, kay mama!!
“Pagbalik ko sa oras ko ay akala ko maayos na ang lahat. Akala ko pag nawala si papa ay magiging masaya na ako at si mama pero nagkamali ako. Nagkamali tayo”
Biglang nawala lahat ng sayang dumudaloy sa buong katawan ko. Bumabalik na ang ilan sa memorya ko at sigurado akong isa doon ay matutuwa kung nagtagumpay ako sa pagpatay kay Jerry. Nagulat ako. Mukhang ang akala kong solusyon ay magdadala pa ng mas matinding problema. Nagsimulang umiyak ang isa pang ako. Hindi niya mapigilan ang luha niya.
“Si-si mama..”
Humagulgol siya na parang isang bata. Pilit niyang pinipigilan ang pagiyak niya pero wala siyang magawa. Mas nagpatuloy ang daloy ng kalungkutan sa kanyang mga mata. Naawa ako sa kanya. Naawa ako sa sarili ko. Makalipas ng ilang sandal ay nakuha niya na ang lakas para patigilan ang mata at ikimkim ito sa loob niya. Nagulat ko sa sinabi niya at nanlaki ang aking mga mata. Halos tumigil ang buong mundo ko. H-hinde pwede.
Nadapa ako bigla sa aspalto. Nakaluhod ‘kong hinabol aking hininga. Sa pagtigil kong ito ay tumulo ang pawis ko sa sahig. Kaya ko pa ba? Tinignan ko ang mapa, D-pad ang tawag niya. Ang sabi niya sa akin ay matutunton ko ang sino mang may kapareho ng DNA ko. Nakita ko ang mapa at merong apat na pulang tuldok. Ako, ang papatay kay papa na ako, at ang bata ako. Pero bakit a-. Naagaw ng atensyon ko ang dalawang tuldok na magkasama. Puta! Nandun na agad yung isa pa ako. Pinilit kong tumayo at ipagpatuloy ang pagtakbo.
BINABASA MO ANG
Pagsisisi ni Henry (Complete)
RastgeleKung kaya mong suwayin ang tadhana, anong gagawin mo? (If ever may nakita kayong typo, wag magatubiling magcomment salamat katoto! haha) Feel free to leave any reviews/comments. All Rights Reserved 2014 © Kyubiform