Sa paglaho ng silindrikong bakal sa harap ko, nagsiliparan ang lahat ng papel. Papunta sa kanan. Mali sa kaliwa pala. Ewan. Kung saan saang direksyon sila tumutungo.
Nagtagumpay ba ako? Nagawa ko na naman ba ulit? Nakatunganga lang ako sa kawalan. Hinayahaang tumakbo ang oras at iwanan ako. Sumasampal sa mukha ko ang mga papel pero hinahayaan ko lang. Wala akong pakialam. Kinapa ko ang bulsa ng labgown ko.
“NASAN NA ‘YON?”
Aligaga kong kinapa ang parehong bulsa. Wala sa kanan pati sa kaliwa. Kinakabahan ako! Nasaan na yung pinakainiingatan ko? Hindi ko mapigilang tumulo ang luha ko. Sinimulan kong hanapin sa napakaraming lamesa. Bwiset. “NASAAN NA? NASAAN?!?!?” Humaharang ang mga papel sa paningin ko. Puta. “Doon! Doon naman ako maghahanap”. Sabi ko sa sarili ko habang papunta sa sulok. Tinignan ko ang drawer. “Wala dito”. Hinahagis ko ang mga walang kwentang bagay. Nagsiliparan ang mga thesis, research results at journals ng mga kapwa ko mananaliksik. Wala akong pakialam sa mga gawa nila.
WALA. PA. RIN. DITO.
Nagpatay bukas ang mga computer pati ang nagiisang ilaw sa kwarto ay kumukurap na rin. Tuloy pa rin ang pangingig ng paligid at napaupo ako nang mawalan ako ng balanse. Ang pagpatay bukas ng mga ilaw na parang sabay sabay umiindak ang naging katulong ko sa paghahanap. Mas lalong lumalakas ang patulo ng luha sa mga mata ko. Hindi ko mapigilan. Kahit anong punas ng braso ko ayaw pa rin tumigil.
NASAAN? ANONG GAGAWIN KO?
Napukaw ng isang bundok ng papel ang atensyon ko. May kung anong liwanag ang nanggaling doon. Mahina lang ito pero dahil sa sobrang dilim ay binigyan niya ng liwanag ang buong lugar.
“Ito nga ba? Sana yan na. Sana yan na”
Sa pagkadesperado ko ay ginapang ko papunta dun habang humahagulgol. Pilit kong hinahabol ang hininga ko. Malapit na ako onti na lang. Onting onti na lang.
Ha.. Ha.. Ha..
Sobrang malapit ko na at biglang hinangin lahat ng papel na nagtago sa pinakamahalagang bagay para sa akin. D-box. Isang bakal na kahon na nagpapakita ng iba’t ibang imahe. Hinayaan ko na ang agos ng luha sa aking mga mata. Napangiti ako. Sa wakas. Agad ko itong niyakap. Kahit papano nawala na ang takot sa puso ko. Nakita ko na ang litrato ng pamilya ko. Tinitigan ko maigi ang pinakitang ilustrasyon ng D-box. Si Papa. Isang malaking lalaki na may makapal na buhok. May kasingkitan. Si Mama. Buhok na hangga’t balikat. Morena at ang nagmamayari ng pinakamagandang ngiti sa buong mundo. At ako naman ang nasa gitna.
Kumalabog ang pintuan. Nabitawan ko ang hawak ko at nanginig sa kaba. Ako lang dapat nandito sino ‘yon? Pinagpawisan ako ng malamig.
“PROFESSOR! PROFESSOR! Buksan mo ang pinto! Professor He—“
Nablanko ang utak ko. Tumigil sa pagiisip. Tatakas ba ako? Walang ibang daan kung hindi ang pintong naghihiwalay sa huhuli sa akin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko na alam ang gagawin. Aksidente kong nalapat ang kamay ko sa kanang bulsa ng labgown. Nagkaroon ng napakaling ngiti ang mukha ko.
“HUWAHAHAHAHAHAHAHAHA”
Hinawakan ko ang tyan ko sa hindi mapigilang paghalakhak. Pinilit kong tumayo. Ibinuka ko ang kamay ko. Ano bang kinakatakot ko?
“HUWAHAHAHAHWAAHAHAHAHA”
Nabuksan na nila ang pinto. Kitang kita nag gulat sa mukha nila. Pagtataka. Oo gulat at pagtataka ang bumalot sa mukha nila. Sa pagkakita ko ng mukha nila mas hindi ko napagilan ang kasiyahan ko.
“Huli na kayo” wika ko.
“A-anong nangyari dito?” nanginginig na tanong ng kapwa ko mananaliksik. Adam ata ang pangalan niya. “Nasan yung time ma-“
Nautal siya. Bakit? Kinuha ko ang nakatagong baril sa kanan kong bulsa sa kabila ng napakatinding panginginig ng kamay ko. Tinutok sa kanang sintindo.
“Professor anong gagawin mo?!?!? PRO-“
“Suwayin ulit natin ang tadhana”
BANG!
Tumagos ang bala mula sa aking kanang sintindo papunta sa kaliwa. Bumagsak ang katawan ko. Nagsimula ng umagos ang hindi mapigilang dugo.
BINABASA MO ANG
Pagsisisi ni Henry (Complete)
De TodoKung kaya mong suwayin ang tadhana, anong gagawin mo? (If ever may nakita kayong typo, wag magatubiling magcomment salamat katoto! haha) Feel free to leave any reviews/comments. All Rights Reserved 2014 © Kyubiform