Naglakad ako palabas ng kwarto at padabog na sinarado ang pinto. Hindi na naman nila tinggap ang blueprint ko para sa time machine. Sabi na nga ba magiging mahirap kumbinsihin ang makikitid nilang utak. Agad akong umuwi. Kahit papano sa bahay mawawala itong pagod ko. Meron pa bang ibang magpapaligaya sa akin bukod sa pamilya ko? Habang nagmamaneho ay natitiyak kong inaantay na ako ng aking asawa at anak. Anak, huh?
Pagpasok ko ng bahay ay agad akong sinalubong ng yakap ng aking anak. Napakaganda ng kanyang ngiti. Napakamasiyahin niya rin at marami kaming pinagkakasunduan.
“Papa nabili mo ba yung ice cream ko?”
Pinakita ko ang hawak kong plastic bag na naglalaman ng ice cream. Mas lalong lumaki ang ngiti niya. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Ganito lang talaga siguro pag naging magulang ka na. Sinilip niya ang uwi ko at binalak na tikman gamit ang kanyang daliri pero napigilan ko siya.
“Oopss. Henry.. Kakain natin yan sabay sabay tayo pagkatapos ng hapunan”
Sumimangot siya at naglakad patungo sa pinakamagandang babae sa mundo, ang aking asawa. Inabot niya ang ice cream. Natatawa kinuha ng maybahay ko ang kanyang inabot. Nilagay niya agad ‘to sa ref.
“Musta ang trabaho, Jerry?” tanong niya sa akin habang pinapakita ang kanyang ngiti.
“Maayos naman”
Sigurado akong nakita niya ang kalungkutan ko. Wala akong kayang isikreto sa kanya, maliban ang isang bagay. Nagtungo ako sa kwarto naming at hinubad ang labgown. Naupo ako sa malambot na kama. Binabagabag ako ng konsensya ko. Hindi ko na alam ang gagawin. Hanggang kailan ako tatagal? Bumalik sa akin ang lahat ng nangayari.
Galing ako sa hinaharap.
Pumunta ako sa nakaraan para patayin si papa. Ibang klase ang paghihirap na dadanasin ko sa kanya. Sa pagmamadali ko kahit prototype pa lang ang time machine ay sunubukan ko agad bumalik. Nasira ang time machine at wala akong nagawa kung hindi gumawa na lang ng panibago. Makikitid ang utak ng tao ngayon dito. Ayaw nila ako paniwalaan na posible ang mga sinasabi ko. Lagi nilang binabasura ang blueprints ko. Tinapon ko sa dagat ang bangkay ni papa. Ginamit ko ang sasakyan niya at sinadyang gumawa ng aksidente.
Akala ko kaya kong itago lahat ‘to. Kala ko sapat na ang galit ko para pigilan ang konsensya pero mukhang nagkamali ako.
Inoperahan ako para ibalik ang dating ayos ng mukha ko, ng mukha ni papa. Sa ngayon wala pang kahit sino ang naghihinala kahit na si mama. Pero sa tuwing makikita ko ang anak, mali, sarili ko, hindi ko mapigilang makonsensya ng lubos lubos. Napapadalas na rin ang inom ko ng alak. Dito ko na lang nailalabas ang nararamdaman ko. Halos gabi gabi ay nagaaway na rin kami ni mama. Hindi ko na alam ang gagawin. Nagugutom na ako pero dumiretso na lang ako sa pagtulog.
Linggo ngayon kaya pumunta kaming mag-anak sa simbahan. Sa buong misa ay mga ilang beses ako kinukulit ni Henry para bumili ng ice cream. Kaya noong natapos na ito, agad niya akong hinila palabas. Hindi ko mapigilan matawa. Ganoon na rin si mama.
“Papa, dito tayo ayun oh” tinuro niya ang mamang sorbetero sa kabilang kalsada. “Pengeng pera pambili. Please? please? please? please?” Wala akong laban sa kanya pagnagsimula na siyang hingin ang gusto niya. Gusto ko lang siya maging masaya. Bumunot ako sa bulsa ng barya at inabot ‘to sa kanya. Agad siyang umalis.
“Helen, gusto niya bang magmall muna tayo bago umuwi?”
“Sige, Maaga pa naman kahit papano”
“YUNG BATA MASASAGASAAN!”
May isang bobong kaskaserong may ari ng kotse ang humaharurot at masasagasaan niya ang anak ko. Masyado akong malayo. Hindi ako aabot. Sa kabila nito, tumakbo pa rin ako. Kailangan ko siyang iligtas. Kailangan kong iligtas ang sarili ko. Sa kabutihang palad, may isang mamang mas malapit sa akin ang tinakbo ang anak ko. Nagsimulang siyang umiyak. Buong oras nakatoon lang ang atensyon ko kay Henry, hindi ko napansin ang isang mamang may hawak ng baril sa harap ko.
Kinabahan ako at pinagpawisan ng malamig. Pareho kami ng itsura. Siya ay ako. Magiging masamang tatay rin ako? Tanong ko sa sarili ko. Wala akong ginawa kung hindi tanggapin ang kapalaran ko. Ngumiti lang ako.
BANG!
“JERRRYYYY!”
Boses ni Hel--, ni mama ang huli kong narinig.
BINABASA MO ANG
Pagsisisi ni Henry (Complete)
De TodoKung kaya mong suwayin ang tadhana, anong gagawin mo? (If ever may nakita kayong typo, wag magatubiling magcomment salamat katoto! haha) Feel free to leave any reviews/comments. All Rights Reserved 2014 © Kyubiform