“Ate,umiiyak si mama.” Sabi sakin ng bunso kong kapatid. Bumangon ako at lumabas ng kwarto. Bumaba ako at naabutan ko siyang nakaupo sa tabi ng picture ng lolo ko, umiiyak.
Umupo ako sa tabi niya at tinapik ang likod niya. “Ma…”
Humarap siya sakin at nakita ko ang mga mata niyang halos mamaga na. “Ang sakit sakit na…” Humagulgol uli siya kaya niyakap ko na siya. “Mahal na mahal ko parin siya. Hindi niya alam kung gano ako nasasaktan ngayon. Ang sakit na talaga.”
Napapikit ako ng mariin nung narinig ko yun. Siya parin pala. Yung naging longtime boyfriend niya. Iniwan kasi siya nito dahil kailangan ito ng mga anak niya. Hindi ko alam pero nagagalit din ako sakanya. Nangako siya sakin na hindi niya sasaktan mama ko. Umasa ako sa pangakong yun.
“Mama, hayaan mo na. Wala na tayo magagawa.” Sabi ko nalang. Narinig ko siyang humagulgol.
“Alam mo bang pinipigilan ko lang umiyak sa harap niyo ng mga kapatid mo? Ayoko kasi makita niyo akong ganto. Ayokong isipin niyong mahina ako pero kasi hindi ko na talaga kaya. Ang sakit talaga. Siya lang din inaasahan ko. Hindi ko alam na iiwan niya ako.” Saglit siyang huminto para magpunas ng luha. “Alam mo gusto kong gawin ngayon? Gusto kong gumanti. Gusto kong lokohin yung mga lalaki at iwan sila.”
Napakagat ako sa labi ko. Hindi makaka-ila na habulin ng lalaki si mama, kaya niyang gawin yung sinasabi niya. Kahit 40+ na ito, kitang kita parin ang kagandahan niya. Pwede parin masabing 30 or below palang siya. “Tama na po. Matulog na po tayo.” Sumunod naman siya at sumama na sakin sa itaas.
“Kaya ikaw, Lucille, wag ka magpapaloko sa mga lalaki. Sana naiintindihan mo yung ginawa ko 3 years ago, nililigtas lang kita sa gantong sakit.” Tumango nalang ako.
Hinintay ko siya matulog bago ako bumalik sa kwarto ko.
Alam ko naman nararamdaman niya. Naramdaman ko rin yan 3 years ago pero wala na sakin yun pero hindi maalis sakin ang kamuhian din ang mga lalaki. Hindi narin ako nagpapaligaw ngayon. Minsan lang din ako magka crush, mga once every year lang. Pano pa ngayon na mama ko pa mismo ang sinaktan nila. Hindi ako man hater pero hindi ako iibig sa lalaki dahil alam kong masasaktan lang ako. Hinding hindi ko sila iiyakan at hahabulin. Hinding hindi.
“Walang klase ngayon?” Tanong ko agad kay Fibe, yung isa ko pang seatmate.
Ngumiti siya sakin ng napatamis. “Meron, dear. Pero may organization fair sa covered court. Sign up daw tayo dun pag break time.” Tumango ako.
“Andrea, san ka magsisign up?” Sabi ko habang nililibot ng tingin ang buong fair.
“Sa dance troupe, ikaw ba?”
BINABASA MO ANG
The one that got away
Humor"Nakakalungkot isipin na may mga bagay na kahit anong pilit mo, hindi talaga pwede." - Lucille