Chapter 4: Text

111 4 0
                                    

"Ayan na pala si Lucille eh." Sabi ng mga blockmate ko at tumayo na.

"Sorry talaga! Nagbihis lang." Sabi ko at ngumiti. "Ito nga pala ang bestfriend ko, si Grace." Kumaway naman si Grace sa mga blockmate ko.

Nandito kasi kami sa lovers' lane. Dito kami magprapractice para sa audition piece naman sa dance troupe ng college namin.

"Lucille, alis nako. Tutulog nalang ako sa dorm. Inaantok nako eh." Sabi niya at nilabas pa ang dila niya na parang aso. Tumawa ako at tumango.

"Sige, ingat." Kumaway nako at naglakad siya palayo. Tumingin ako sa mga blockmates ko. Mga 10 or less kaming nandito. Lahat kami mag aaudition para sa dance troupe.

**

Lumapit kami sa covered part sa labas ng building namin na amoy tae. Jusmiyo, walang nagsabi na dito ata nilalagay ang kubeta. Pero dahil wala kaming choice, nagpractice kami dito.

"Okay, girls muna." Sabi ni Reg na siyang nagtuturo ng steps samin. Sumunod naman ako. Syempre, siya na nga nagtuturo samin eh. Wala kasi akong talent sa pag gawa ng steps. Taga gaya lang ako. "Then boys." Sabi niya at sumunod naman kami.

"Okay, complete na ba requirements niyo?" Tanong samin ni Andrea. Napa isip ako nung nagtanong siya. "Reg form and 1x1 lang naman eh."

Napatingin ako sa bag ko. Shit. Kinuha ko agad ang cellphone ko at tinext si Grace.

To: Grace

Grace! Sorry talaga pero kasi naiwan ko sa bag ko dyan reg form ko, pwede pahatid? Please please!

Saglit lang at nagreply siya. Dadalhin na daw niya. Minsan talaga ang tanga ko eh.

**

"Okay, tara akyat na tayo. Mag 6 na eh." Napatingin ako sa langit. Buti nalang susunduin ako ngayon since Friday naman at bawal ako magcommute pag ganto ka late.

Napalinga ako. Pero asan na si Grace?

Bago kami makapasok sa building, dumating agad si Grace at binigay sakin Reg form ko.

"Thank you talaga! Ingat ka pabalik ng dorm ah!" Sabi ko at tiningnan ang langit. Mejo malakas pa naman ang ulan. Napatigil ako ng may nahagip ang mata ko.

Si Justin. Nakatingin siya sa loob ng building namin at hawak hawak ang phone. Mukhang may kausap siya. Pasimple akong tumingin sakanya at bumulong kay Grace.

"Siya yung crush ko. Si Justin. Hindi ba kamukha ng ex mo?"

Tiningnan naman ito ng mabuti ni Grace. "Layo, pre. Alis nako ah? Baka mas lumakas ang ulan."

**

"Sorry, ma, ngayon lang nakauwi. 9 na kasi natapos yung audition tsaka 10 nako nasundo ni Papa." Ngumiti siya at tumango. Okay lang naman sakanya as long as hinahatid ako ni Papa. As long as safe ako makakauwi lalo na pag gabi na.

Pumasok nako sa kwarto at kinuha ang isa kong phone sa bag. Ito yung spare phone ko. Mabilis kasi maglowbat phone ko kaya mahirap na mawalan ng communication pag nagcocommute ako. Ayaw pa kasi ako ipagdorm ni Mama.

Kinuha ko yun at binasa ang isang text.

From: Justin Buenaventura

Hindi na e, ikw ba?

Napangiti ako. Since ito ang spare phone ko, ang may alam lang sa number na 'to ay si Mama at mga kapatid ko. At siya. Pero hindi niya alam kung sino ako. Secret admirer nalang, kung baga. Hindi ko rin alam kung bakit ginagawa ko 'to. Ang weird nga eh.

To: Justin Buenaventura

Hindi narin. Ang tagal nila eh.

Tinext ko kasi siya kanina kung nanuod siya ng pag perform ng Silent Sanctuary sa UST. Kaso sobrang late na nila dumating kaya umuwi nalang ako.

Nagayos nako at nagready matulog. TGIF, PRE! Walang pasok bukas. <3

From: Justin Buenaventura

Ahh :)

Man of a few words forever.

To: Justin Buenaventura

Hmm, nakauwi ka na? :)

Mga inaabot siya ng 10-30 minutes bago magreply. Grabe 'to.

From: Justin Buenaventura

Yup :) ikaw?

To: Justin Buenaventura

Oo din. :)

Halos makatulog nako ng magreply siya.

From: Justin Buenaventura

Sino ka ba talaga?

To: Justin Buenaventura

Basta pareho tayo ng college. :) Tsaka, kakilala mo iba sa mga kablock ko. Sila Lucille at Andrea.

From: Justin Buenaventura

Hmmm, classmate mo sila? :)

To: Justin Buenaventura

Yup :) Tulog kana, goodnight, Justin. :)

From: Justin Buenaventura

Goodnight :)

Ilang beses na niya tinanong sakin yun at pareho lang sagot ko sakanya. Hmm, may clue na kaya siya?

______

// like I said SEMI true story siya. :)

Comments?

The one that got awayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon