Chapter 5: Prelims

150 4 1
                                    

Matagal tagal narin at halos lahat kami mejo sanay na sa college life. Except kaming mga nag dance troupe. Mejo hassle kasi hinihigop niya halos lahat ng oras mo. Hanggang gabi din kasi yung training.

Buti nalang walang training pag prelims or finals. Kaya ito, subsob kami sa pag-aaral.

"Nakuha niyo na yung x?" Tanong agad ni Andrea. Napatingin ako sa papel ko at napasimangot. "Ito kasi yung akin." Sabi niya at inabot samin papel niya.

"Pano mo nakuha yan?" Tanong ko agad.

"Ito akin." Sabay abot ni Fibe ng sakanya. Napasimangot uli ako. Pareho sila ng sagot. So, tama, diba?

Wala talaga akong galing sa math. Tinuro naman nila sakin pano nila nakuha yun at mejo naintindihan ko naman.

"Ano oras test natin?" Sabi ni Alkim samin pagtayo niya at nag unat.

"We still have 10 minutes." Sagot agad ni Fibe pagkatapos niya tingnan sched namin. "Tara, dun nalang tayo sa tapat ng room."

Tumango namin kami sa isa isang nagtayuan. Napatingin ako sa bagong dating.

"Wow, SA, ang aga mo ah." Sarcastic kong sinabi kay Shana. "Usapan natin 8 nandito na. Mag 10 na po kayo."

Tumawa siya ng unti. "Sorry, SA, late ako nagising."

Nirolyo ko nalang mata ko ng pabiro at sinara bag ko. Pumunta na kami sa tapat ng room kung san kami magtetest. Nilapag ko na bag ko dun sa labas ng room at kinuha cellphone. Kainis naman kasi 'tong uniform namin eh. All white na nga, wala pang bulsa -- sa babae. Discrimination.

"SA, si Justin oh." Nakita ko siyang naglalakad, galing ata siyang CR. I mean, sila. May kasama kasi siyang dalawang lalaki pa. Naglalakad sila habang may binabasa. Malapit na sila n napatingin sakin si Justin at inalis niya agad tingin niya. Itong snobero na 'to.

Nilagpasan niya ako pero nakatingin parin ako sakanya. Wala akong ibang maisip kundi yung sinasabi ko sakanya lagi na ngumiti naman siya. Nagulat ako ng lumingon siya sakin at ngumiti. Mejo napa nganga pako. I didn't expect him to do that.

Nagising nalang ako sa realidad ng nagvibrate phone ko.

Mama calling...

"Hello, Ma?" Sagot ko agad.

[Hello, Lucille?]

"Po?"

[Itong kuya mo kasi eh...] Nagsumbong nanaman siya sa mga ginagawa ng kuya ko. Mejo magpagka... Uhm, gulo kasi yun. Rebelde na ewan ang ugali niya.

Nawala yung pakikinig ko ng nakita kong pabalik na sila Justin.

Sumandal ako sa may railings ng hallway at tumingin lang sa harap ko. Alam ko namang makikita ko siya pagdumaan na.

Nung dumaan na siya, tiningnan ko na siya. Nakatingin siya sa taas at nagpipigil ng tawa o ngiti pero kitang kita na kahit nakaharap siya sa dadaanan niya, nasakin ang mga mata niya. Napangiti ako. Bakit ganto?

[Hindi ko na talaga alam gagawin ko dito sa kuya mo.] Shit, nawala ako sa focus. Bumuntong hininga ako.

"Hayaan mo na, Ma. Usap nalang po tayo paguwi ko. Magtetest na po kasi kami."

[Osige. Ingat ka ha? Wag ka uuwi hanggang wala tatay mo. Bye.] Binaba ko na yung phone at kinuha ang bag ko. Napatingin uli ako kung san nagpunta si Justin. Mukhang pumasok na siya sa room nila.

Ano ba 'to? Tsk. Hindi ko rin alam pero bakit parang nafefeel ko na gusto ko siya makuha at mapasakin? Ugh.

**

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The one that got awayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon