Chapter 3: Salu-Salo

128 4 1
                                    

*ding dong ding* (tunog ng bell for announcement mehehehe) "Good morning, freshmen educators! Blahblahblahblahblah."

Tinanggal ko agad yung earphones ko. "May inannounce ba?" Tanong ko kay Fibe agad.

Tumawa siya ng napakatamis. "Yes, they said freshmen students will have a salu-salo at the lobby." Tumango ako at pinili nang hindi pahabain ang usapan. Shit, dudugo ata ilong ko dito.

Tumingin ako sa kaliwa ko. Si Chicho. Kahit pa ayaw ko siyang kausapin. "Anong oras daw?"

Ngumiti siya sakin ng malapad. "Pagtapos ng Math." Tumango ako at tumingin sa pumasok na prof. Ito na yung prof namin Math.

**

"Committee ka, diba?" Tanong sakin ni Andrea.

Umiling ako. "Hindi eh, hindi nga ako nakapunta nung workshop, diba?" Sabi ko at nagpout. "Hindi ko tuloy nakilala si Justin."

"Ayun siya oh. Committee na siya eh." Napatingin ako sa tinuro niya. Kinakausap sila ng ibang student council members.

"Shet." nalang ang nasabi ko. "Teka, Andrea, kakain muna kami. Bituka muna bago puso." Tumawa siya ng malakas at sumama nako kela Shana kumain.

**

Pagbalik namin sa lobby, mejo maraming tao na. "Magsisimula na ba? Pano yung huli nating klase?"

"Hindi daw natin kailangan pumasok. Excused daw lahat ng committee members." Sabi ni Benj. Napangiti ako. Hah! Di naman nila alam na hindi ako committee member eh.

Ngumiti ako at nagpalinga linga. Nakita ko si Andrea kausap si Justin at yung kaibigan niya na crush ni Shana. Ito na yung chance ko! Napagusapan narin naman namin ni Andrea na pagnagkaroon ng pagkakataon, ipapakilala niya ako kay Justin. Sana lang maalala niya.

Lumapit ako agad, nakatalikod si Justin sakin. "Andrea!" Sabi ko at ngumiti ng malapad. Nakita ko sa peripheral vision ko na tumingin sakin si Justin at umusog ng unti para bigyan ako ng space. Shit, ganto palang kinikilig nako. First time niya ako tiningnan. "Hindi daw natin kailangan pumasok sa NS. Excused daw tayo."

"Alam ko." Sabi niya at ngumiti. Hindi ata niya naaalala! Patay na. Buntik nako mawalan ng pag-asa nang may nagsalita.

"Pakilala mo naman daw si John." Napatingin ako sakanya. Kay Justin. Kay John? Sinong John?

"Ah, Lucille si John at Justin." Sabay ngiti niya. "John and Justin, si Lucille." Ngumiti ako at tumingin kay Justin na umalis naman at lumapit sa mga pagkain. Nakatingin parin ako sakanya.

"Nabangga kasi kita eh." Tumingin ako saglit sa nagsalita. Ito pala si John. Binalik ko ang tingin ko kay Justin.

"Nabangga kita? Sorry." Sagot ko.

"Hindi, hindi. Ako yung nakabangga."

"Ah." Sabi ko pero hindi parin sakanya nakatingin, kundi kay Justin. "Anong ginawa gawa ng kaibigan mo?" Tas tumingin ako kay John. "Biglang nawawala." Sabi ko at tumawa. Tumingin ako kay Andrea at umalis na. Sumunod naman siya sakin.

"Damoves mo ah." Sabi niya ng nangaasar.

"Ako pa! Akala ko nga nakalimutan mo eh. Pero sheet, siya pa mismo nagoffer ng pakilala pero hindi nga lang sakanya pero ganun parin yun." Sabi ko at ngumiti sa kilig.

Nagkainan na mostly ang mga tao at naging body guard ng line si Justin. Pumwesto ako sa likod niya at umupo sa may bench dun. Balak ko titigan buong araw ang likod niya... Joke.

"Justin." Tawag ko sakanya. Tumingin naman siya agad sakin. Ngumiti ako. "Justin, diba?"

"Ah, oo." Sabi niya at binalik ang tingin sa pila.

Napakagat ako sa labi ko. Ano pa bang pwede ko sabihin. "May klase kayo?"

"Oo pero excused kami."

"Ah, kami rin eh."

Ang hirap naman gumawa ng conversation sa lalaking 'to. Natapos na ang kainan at naglilinis na ang iba. Umupo ako sa bench, katabi ni John.

"John, diba?" Honestly, nakalimutan ko talaga pangalan niya. Tumango naman siya agad. "Anong program niyo?" Tinanong ko kahit alam ko na.

"Food tech. Kayo?"

"Ah, bse." Sabi ko at ngumiti. "Anong section?" Kahit alam ko narin.

"DEF." Sabi niya at ngumiti. "ABC ka, diba?"

Tumango ako. "Bakit ang snobero ng kaibigan mo? Ngumingiti ba yun?" Sabi ko ng nakaturo kay Justin.

"Hindi, hindi yan snobero. Mabait nga yan eh." Sabi niya.

Tumango naman ako. Well, type ko naman ang mga snobera. Tumayo nako at nagpaalam kay John. Nag Cr lang ako.

Pagbalik ko nandun si Benj, isa sa mga blockmates ko. "Uy, Benj, kilala mo yun?" Sabay turo ko okay Justin. Umiling siya. "Siya yung crush ko! Bakit hindi mo kilala? Student council member ka rin ah?"

"Ewan ko. Di ko kilala eh." Sabay tawa niya.

"Pakilala kita." Sabi ko at tumingin kay Justin. "John! Halika kayo."

Lumapit naman sila agad. "Bakit?" Tanong ni John.

"Ito nga pala si Benj. Taga SC rin siya eh. Benj, si Justin at John." Tumango sila.

Tumingin ako kay Justin. "Ngumingiti ka ba?" Sabi ko at tumawa. Napangiti siya pero pinipilit niyang hindi. "Ang snobero mo pa. Bakit hindi ka namamansin?" Tanong ko ulit sakanya.

Tumawa siya. "Eh kasi siya yung gusto mo eh." Sabi niya agad at tinuro si John. Nagulat ako sa sinagot niya.

Nagseselos ba siya?! Chos.

"Ano?" Yun nalang nasabi ko.

"Hindi, wala. Inaasar ka lang niya sakin." Sabi ni John.

Hindi ko na napansin yun at tumingin uli kay Justin. Putcha, ngumiti siya! Napa nganga nalang ako hangga't mejo umurong sila papunta table kasi may pizza dun. Sinisilip nila yung box at nakita ko ang takam sa mata ni Justin. Shit talaga.

Lumapit ako ng unti sakanila.

"Kakain na kami, ikaw?" Sabi ni John. Ngumiti ako at umiling.

"Tara, kain!" Sabi sakin ni Justin pero sa pizza parin siya nakatingin.

"Sige na, kain na kayo." Sabi ko at tumalikod.

Naglakad ako palayo. Okay lang naman magka crush, diba? Normal lang naman 'to. Pero bakit parang masama ang kutob ko dito? 

 

___

 

// still no comments, eh? huhu

The one that got awayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon