nagpa-alarm ako ng exactly 12:00 noon sa cp kasi alam kong hindi ako maaga magising. Nag alarm na siya, dali dali akong naligo tapos naghanap ng susuotin ko, kasi alam ko na pupunta sila cav, kailangan maganda ako sa eye ball namin. natagalan ako sa paghahanap ng susuotin ko kaya yung captain america shirt ko nalang na violet sinuot ko taz nag shorts tapos yung converse ko na black. simple ko lang nun kasi wala akong ibang mahanap sa closet ko.nag paalam na ako nila papa at mama. Sumakay na nga ako papuntang sm, nag pm na si chris sa kin kung san na daw ako, sabi ko malapit na ako. After how many minutes... nakarating na din ako, tumatakbo ako habang sumisigaw.
Here's my PV:
Ako: CHRIS! CHRIS! andito na ako!
Chris: oh ayan na pala si irish oh, Irish girlfriend ko nga pala si Mae.
Ako: Loko ka aa, wala kang sinabi tungkol sa girlfriend mo, may girlfriend kana pala, ako nalang yung forever alone sa barkada, pero Hi Mae, Ako nga pala si Irish. :)
Mae: Hi Irish. (medyo nahihiya pa siya sakin.)
chris: haha, may balak nga ako sabihin ee, pero ngayon ko lang nasabi sayo.
habang kausap ko si chris, dumadami na ang dumadating sa entrance, kaya yun nag gm si chris na pumunta kami lahat sa gilid ng entrance kaya dun ang dami namin kaya nagsalita si chris na mag pakilala ulit sa isat-isa sa personal na talaga. Ang daming kong nakilala at nakita sa personal, tapos may biglang nag poke sa akin, si cav palayun, kasama nya sila owy, ully, biiboy at si oliver at pati na rin si Ranz.
Cav PV:
Cav: kaw ba si Irish?
Ako: yep, ako nga. (medyo kinikilig ako kasi ang gwapo niya.)
Cav: ah, eto nga pala sina owy, oliver, ully at si biiboy.
Ako: hi :) (kinilig ako sobra, talaga.) asan si Ranz pala?
Owy: wait, tawagin ko lang, Ranz, eto yung Irish na sinasabi ko oh.
Pumunta si Ranz sa circle namin.
Ranz: Hi Irish.
Ako: ha..ha...hi ranz :) (eto na, bongang bongang kilig nato sakin, nag blush na nga ako!)
Dun nag usap usap kaming lima pero minsan lang kumikibo si Ranz, ayun nag kwentohan kami, nagtawanan, nagkulitan. Tapos dun may sinabi si Owy sakin tungkol kay Ranz.
Owy's PV:
Owy: Sorry na kay Ranz ha? kakagaling lang ng break up yan ee.
Ako: Ano ka ba, okay lang noh.
tapos sumingit si cav sa usapan namin.
cav: Irish sama ka samin sa monday.
ako: anong meron sa monday?
owy: wala, mall lang tayo.
ako: okay, kung papayagan ako ng parents ko.
biiboy: papayagan ka! haha.
oliver: sama kana.
ully: sasama na yan! haha.
ako: Osige na nga, pero pag di ako payagan, walang irish sasama ha? okay?
cav: okay.
tapos biglang pinalapit nila cav si ranz sakin.
Cav PV:
Cav: Kayo naman mag usap ranz.
Ranz: okay.
Lumapit si Ranz sakin nun, kaya sobrang kinilig sa pangyayari, Parang sobranng lungkot si Ranz nun.
My Pv:
Ako: Ranz, ngiti ka naman jan oh :))
Ranz: (doing a fake smile) :\
kiniliti ko si Ranz, tapos dun parang ngingiti na siya. :)) tapos sa kulitan namin sa group nila cav ay nag announce na si chris na tapos na rin daw yung eye ball namin kaya nagpaalam na ako sa kanila, pero nagoffer si cv na ihatid daw nila ako, tinanggap ko naman kahit medyo nakakakhiya sakanila. There off we go, nag paturo sila sakin kung asan banda kaya tinuro ko naman.
Owy: Same pala tayo ng subdivision aa.
Ako: Talaga?
cav: oo, sa kabila lang amin.
ully: mag kakapitbahay kasi kaming lima ee.
ako: ah.
nakarating na kami sa gate ng bahay ko, nagpaalam na ako sakanila at nagpasalamat. :)
ako: thanks for the ride guys :)
biiboy: walang anuman rish.
ako: bye! :)
biiboy: bye :)
tapos pagdating ko sa bahay ko nagtanong na din si mama sakin, habang nagbibihis ako sa kwarto ko.
Mom's PV:
Mom: Kamusta yung eye ball nyo anak?
ako: okay naman ma, daming gwapo ma. haha.
Mom: baka may crush kana ha?
ako: meron na talaga ma, gwapo nya ma.
mom: talaga?
ako: oo ma, nasa kabila lang sila.
mom: ah, lapit lang aa.
ako: oo nga ma, ma may nakilala nga pa ako dn ma sina cav, ully, biiboy, oliver, owy at si Ranz, sila yung sinasabi ko sayong gwapo.
mom: ah.
ako: ma isasama nga pala ako nila sa monday, mag mall daw kami.
mom: Osige, payag ako, wag makulit okay?
ako: thanks ma! Mom: pero tanungin mo muna daddy mo.ako: okay ma.
sobrang saya ko nun kasi pinayagan ako ni mama, tapos pinayagan rin ako ni papa! yehey. :)) kaya dun nag text ako sakanila na makakasama ako, natuwa naman sila.
yay! guys medyo mahaba, pero kinilig ako sa part na to aa. :)
![](https://img.wattpad.com/cover/1539088-288-k250117.jpg)