"Ano bang ipinakain sayo ng Trixon na 'yon at handa mong gawin ang lahat na halos ilagay mo na ang sarili mo sa kahihiyan?" panenermon sa akin ni Jaia.
"Tama!" segunda naman ni Candy. "Paano mo nagawang basta-basta na lang tanggapin ang hamon niya? Nag-iisip ka ba?"
'OUCH!' 'yan lang ang tanging nasabi ko sa sarili ko.
"Yannie naman, alamin mo naman sana ang salitang tama na. Hindi na pagmamahal ang tawag diyan sa ginagawa mo. Pagpapakatanga! Yan ang tamanag definition. Alam mo naman na out of reach natin ang toplist, tapos anong ginawa mo? Pumayag ka sa kasunduan niyo ni Trixon ng basta-basta na lang." medyo galit ng sambit ni Jaia.
Pasimple kong tinakpan ang aking mga tenga, dahil medyo nananakit na. Kanina pa kasi ako pinagkaka-isahan nila Jaia at Candy sa panenermon sa akin.
"Alam naman natin pare-pareho na pinagtri-tripan ka lang ng asungot na iyon para aliwin ang sarili niya. Ewan ko ba naman kasi sa'yo kung bakit sa dinami-dami ng lalake sa mundo siya pa ang nagustuhan mo."
"Hey, girls! Bad vibes iyang ginagawa niya. JUst support her na lang." Sabay-sabay kaming tatlo na napalingon sa pinanggalinga ng boses.
"Mr. Selfconfidence!"
"Zero!"
Gulat at sabay naming sabi ni Jaia.
"Mind if I join you?" nakangiting tanong nito.
"No, it's okay." malambing na sagot ni Jaia. Napatingin agad ako kay Jaia at tinitigan siya ng mariin. Bigla kasing nagbago ang aura nito. Bigla tuloy akong may naalala.
--------FLASHBACK-------
April 28 [ Last Summer ]
"Desidido ka na ba sa gagawin mo?" tanong sa akin ni Jaia.
I just nod as my answer.
We're spending our summer vacation at Jaia's family resort. Abala si Candy sa paglalangoy sa pool, while Jaia and I are having a serious talk.
"Hindi kita masisisi sa naging desisyon mo. We're already 4th year sa darating na pasukan. Alam ko din na hindi ka papayag na matapos na lang ng ganoon ang love story niyo na hindi man lang nakapagtapat sa kanya. Mahirap talagang magmahal ng patago at mas mahirap ipaglaban ang isang tao na kung siya mismo ay hindi alam ang tunay na nararamdaman mo."
Napakunot noo na lamang ako sa mga naririnig ko na pinagsasabi ng kaibigan ko. Hindi kasi siya yung typical na mag-aadvice tungkol sa pag-ibig. Kinikilabutan tuloy ako.
Napansin siguro ni Jaia ang pagbabago ng facial expression ko. Narinig ko na lamang siyang napahagikhik.
Talagang kinikilabutan ako sa mga ikinikilos ng babaeng ‘to. Napapansin ko rin nitong nagdaang araw na lagi siyan blooming.
“Are you inlove?” I asked her out of the blue.
“H-hindi ah!’ nauutal na sabi nito, sabay iwas ng tingin sa akin. “Huwag mong ibahin ang usapan, ikaw ang may issue dito hindi ako. Isa pa, parang naiintindihan ko na rin ngayon ‘yung pakiramdam na nagmamahal ka ng palihim at sa taong alam mo sa sarili mo na mahirap abutin,”
“In love ka nga! Sino siya?” nangingiting sabi ko sa kanya. Winisikan lang niya ako ng tubig sa pool.
“Hindi nga sabi! Ang kulit mo!” habang pinipigil ang pagngiti nito.
BINABASA MO ANG
TRULY, MADLY, DEEPLY IN LOVE WITH YOU
Novela JuvenilLOVE has many shapes and forms that's what Trixon realized when he met this girl who posses so many kinds of characteristics. She only loved but him. But the only thing he could do is to hurt her mentally and emotionally. Since he met her, his world...