[YANNIE's POV]
"Mom, I'm already grown up! Stop treating me like I'm still a kid."
Napahinto ako sa paglalakad ng may marinig akong pamilyar na boses. Luminga-linga ako sa paligid at nagbabakasakaling makita siya pero hindi ko makita kahit anino niya.
'Nagha-hallucinate na ako.' bulong ko sa sarili ko.
Isang linggo na rin ng huli ko siyang makita. Sinasadya ko talagang iwasan siya dail ayaw ko ng mag-cause pa ng kahit anong problema sa kanya. Iyon din naman kasi ang gusto niya. Kahit masakit para sa akin, kailangan kong suportahan ang desisyon niya.
Noong stalker pa lang niya ako ay wala ni isang araw na hindi ko siya pwedeng makita. Madami na talagang nagbago simula noong nagtapat ako sa kanya. Tibay at lakas ng loob ang tanging kailangan ko sa mga sandaling ito.
Nag-shortcut na lamang ako papuntang classroom dahil malapit na akong ma-late sa klase ko. Pagliko ko ay agad din akong nagtago ng makita ko siya. Ang lalakeng itinatangi at isinisigaw ng puso ko, si Trixon Nueves.
Habang nakatingin ako sa kanya ay paulit-ulit na naman na umaalingawngaw sa aking pandinig ang huling salitang binitiwan niya noong huli kaming magkita.
'Tantanan mo na ako, pwede? Kung maaari ayoko na rin makita pa ang pagmumukha mo.'
Pabalik na sana ako ng huminto rin ako agad.
'Pasilip muna, na-miss ko kasi siya eh,'
"Hanggang ngayon mama's boy ka pa din?" pang-iinis sa kanya ni Andrew. Kasamahan nito sa Special Class.
"Shut up Andrew or I'll gonna kick your ass." at saka nagtawanan ang mga kasamahan nito. "Kung makapanlait kayo, parang ang titino ninyong mga tao."
Napansing kong dinukot ni Trixon ang cellphone nito mula sa bulsa niya. And then napangiti na lamang ako, when an idea popped out into my mind.
Naglakad ako ng nakangiti palapit sa kinaroroonan ng grupo niya. "Hi!" masigla kong bati.
"Ikaw na naman!? I thought I already made things clear to you."
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Inagaw ko ang hawak niyang cellphone at nagsimulang mag-dial.
"What do you think you're doing!?" magkahalong galit at iritasyon ang mababakas sa tono ng pananalita niya.
Nang matapos ako sa pagda-dial, I look at him tentatively and smile sweetly. "This number is mine."
"Woooooooohhhhhhhh!" pabulong na sabi ng mga kasama ni Trixon.
"Did I ask for it?" mataray nitong tanong.
'Ang sarap talagang iuntog ang ulo ng isang ito. Kung hindi ko lang talaga siya mahal, hmmppp!" pagpipigil ko sa sarili ko. "Itatanong mo lang din naman sa akin, kaya binibigay ko nalang sa'yo ng mas advance."
Tinignan ng matalim ni Trixon ang mga kasamahan niya na abalang naghahagikhikan. "I don't even know you?"
"Trust me, kilala mo ako. Ayaw mo lang aminin sa sarili mo, dahil natatakot kang ma-FALL--IN--LOVE-- sa akin." ang kaninang hagikhikan lang ay naging malakas na tawanan na.
"You're totally insane!" pahablot niyang kinuha ang cellphone niya mula sa akin at tinalikuran na niya ako.
"Baliw lang na nagmamahal sa'yo."
BINABASA MO ANG
TRULY, MADLY, DEEPLY IN LOVE WITH YOU
Fiksi RemajaLOVE has many shapes and forms that's what Trixon realized when he met this girl who posses so many kinds of characteristics. She only loved but him. But the only thing he could do is to hurt her mentally and emotionally. Since he met her, his world...