Chapter 2: Jake

79 1 0
                                    

Airport...

"Would you let go of me already?! I'm late for my flight!"

"No! I'm not letting you go! Never!"

Naiinis na siya, ha. Sinabi na nga niya sa babae na hindi siya naghahanap ng seryosong relasyon. Akala niya, naiintindihan ng babae 'yon. Hindi pala. 

Heto siya ngayon, nakikipag hilahan ng laylayan ng paborito niyang damit sa hinayupak na tatanga tangang babaeng 'to. Humahapit na sa katawan niya ang T-shirt niya.

"Misty, my patience is running out... It's either you let go of me, or I'm gonna slap you so hard, your ancestors will feel it!" Sabi niya habang itinutulak ang mukha ng babae na hanggang ngayon, nakayakap pa rin sa bewang niya. Sobrang higpit ng yakap nito sa kanya, sumasakit ang injury niya sa likod...

"You're just afraid to get hurt! I know you love me! I know you do!"

Grabe! Ang tindi ng babaeng 'to! Maghahanap hanap ng maikakama lang, tapos, hindi mapanindigan ang pagiging pakawala...

"Look. I had fun with whatever we had for a couple of days. But I'm sorry. I  don't feel anything for you except lust. I just want to use your body as much as you wanted to use mine. Nothing more. If you can't accept that, then i'm sorry but you can't do anything about me leaving."

Nakita niyang nanginginig nang mga labi ng babae dahil sa nagbabantang pag iyak. Unti unting lumuluwang ang pagkapit ng babae sa pagkakayakap sa kanya hanggang sa tuluyan ng maalis ang mga kamay nito sa kanya at dalhin ito sa mukha nito upang takpan ang mukha dahil sa pagluha.

Tss... Here comes the water works...

Sanay na siyang makakita ng mga babaeng umiiyak! Actually, nakakairita na. Sila naman din ang may kasalanan eh. Una pa lang, sinasabi na niyang gusto niya lang ikama ang mga ito. Pero ito namang mga babaeng tanga naman, akala, ma ta trap siya sa isang relasyon! Ang hirap pala pag may bad reputation ka as playboy ng isang school. Una, lalapitan ka dahil SOBRANG GWAPO mo, tapos, pag marami ka nang napaiyak, nandyan nang mga haliparot na aaligid sa'yo thinking to themselves that 'I'M SO HOT, I'M THE ONLY ONE WHO CAN TAME HIM!'. Ack! Pero ayos lang...

Siya naman ang nakikinabang sa katangahan ng mga ito eh...  BWAHAHA! >:D

Habang umiiyak ang babae, sinamantala niya ang pagkakataon at tumakbo palayo pupunta sa gate nila ng kapatid niya. Nakikita na niya si Jeremy na nakatayo sa bukana at naghihintay sa kanya habang nagbabasa ng libro.

Jeremy has the same built of body as he does. Hindi sila masasabing maskulado pero hindi rin naman sila payat. Kahit naman kasi slim sila, may mga tamang laki sila ng muscles sa mga tamang bahagi ng kanilang mga katawan na kinababaliwan ng mga babaeng nabibiktima niya. They both have the same oval-shaped faces which almost annoyed him. People mistook him for his brother most of the time because they look so much alike. Buti na lang, magkaiba ang bukas ng mukha nilang dalawa. Kung siya ay may pagka masungit ang dating at tila laging annoyed, Jeremy have always had this i-don't-know-or-care-what's-happening-around-me look. Para itong tanga minsan. Parang lagi itong nakatulala!

Nakasuot na naman ito ng reading glass nitong may makapal na frame. As usual, engrose na engrose na naman ito sa pagbabasa.

Ewan ko ba, masyadong introvert ang kapatid niya. Hindi ito nakikisalamuha kung kani kanino lamang. Actually, mas tamang sabihin na hindi ito nakikisalamuha sa tao. Gwapo naman ito, (mana sa kanya... Hehe! Joke lang (^-^)) ngunit, parang kulang sa confidence?

Parang hindi... Makikita mo naman sa ayos at tindig ng lalaki na hindi ito salat sa confidence. At anong pinag sasasabi niya? Mahiyain ba yung marami rami nang nakaka one night stand? Oo nga, hindi iyon aabot sa kalahati ng dami ng sa kanya. But stil...

Baka siguro'y, iniisip nitong sayang lang sa oras ang makisalamuha sa mga taong nakapaligid sa kanila. He can't blame his brother. The people they've met so far are a load of morons.

 Tumapat siya sa kapatid niya para madali na siyang makita nito.

Nakakailang segundo na pero di pa rin siya napapansin nito.

Grabe namang pagka snob nito!

Sinipa ni Jake ang paa ni Jeremy ng bahagya para makuha niya ang atensyon nito. 

Inalis ni Jeremy ang tingin sa libro at umakyat ang mata sa mukha ng lalaking sumipa sa kanya...

Hindi pa rin ito nagrereact at ilang sandali siyang tinitigan nito bago ito nagsalita...

"Oh, Jake. 'Dyan ka na pala..."

Nainis siya... Pati ba naman sa pagrereact, tinamad ka pa?!

"Gee! Thanks for noticing me. Let's hurry. Someone's after me."

"Let me guess. The clingy girl who calls you every 5 seconds to know if you're still breathing and wonders why you don't answer her calls and nags you and pretended to be your wife and stalked you and watched you while sleeping and peeped at you while you're taking a bath and made a 10 page blog about how big your thingy was?"

"Haha! Funny... Thanks for reminding me. Now, I want to stalk her and surprise her with a string around her neck!"

Iniextend ni Jeremy ang mahaba niyang braso para lumabas ang relo niya na naitatago ng mahaba niyang sleeve. "Better hurry. We only have 10 minutes before the plane takes off... ;D"

Nag isip muna siya kung itutuloy ba niya o hindi.

"Bah! Never mind! Let's just board the FREAKING PLANE!" Naiinis niyang sabi.

Naglalakad  na sila dala ng mga bagahe nila ng magsalita si Jake.

"How many years has it been?"

Nagtatakang lumingon si Jeremy sa kanya. Naintindihan nito ang tinatanong niya.

"8 years." Malungkot na sabi ni Jeremy.

Hindi niya alam minsan kay Jeremy, pero, sa tuwing nababanggit ang pag uwi sa Pilipinas, lalo itong lumulungkot. Hindi ba't, dapat pa itong matuwa dahil makikita na nila ulit ang mga taong kumupkop sa kanilang dalawa at itinuring sila bilang tunay na anak?

"Ang tagal na rin pala nang huli tayong umuwi."

Napatingin siya dito at tinaasan ng kilay. "OA lang Jeremy? Para namang, hindi tayo umuuwi nyan! Bumibisita naman tayo pag bakasyon ah..."

"Oo nga. But this time, its different. We're not just going to visit. We're staying for good.

Ikaw kasi, Jake. Pinababa mo pa kasi'ng grades mo eh..."

 Napatingin si Jake kay Jeremy dahil sa pagkabigla. Natigilan si Jake sandali bago iniba ang direksyon ng tingin. Nakatiim ang bagang ni Jake habang ikinukuyom ang kamay na nakahawak sa handle ng maleta nito.

Nagsisi tuloy si Jeremy dahil pinaalala pa niya sa kapatid niya ang dahilan kung bakit napabayaan nito ang pag-aaral. Hinawakan niya ito sa balikat. Nararamdaman niyang unti unti itong nagrerelax. 

"Wag ka na mag alala. Mas marami namang magagandang babae sa Pilipinas kaysa dito. Mas masaya pa ang chase dahil conservative ang mga babae..." Alanganing ngiti ni Jeremy kay Jake.

"Tss. Hindi ko maintindihan minsan sa'yo kung magalang ka ba sa babae, o may undiscovered wild side ka." Pilit ang ngiting sabi ni Jake habang tinatahak nila ang gate para makasakay ng eroplano. "Tara na nga!" Iniangkla ni Jake ang braso niya kay Jeremy.

Natuwa naman si Jeremy dahil kahit papano, nakisakay ang kapatid niya sa panlulubag loob niya dito.

Nakaupo na silang pareho sa mga upuan nila.

Ang hirap pala talaga ng may magulang na marami ang koneksyon! Lahat, kayang gawin. Biruin mo, isang taon na lang, gagraduate na kami, tinanggap pa kami sa college na papasukan namin sa Pinas! tsk! tsk! 

Napapailing na lang na isip ni Jake sa sarili niya.

Bigla na naman siyang nalungkot dahil sa pagkaka alala ng aksidenteng kumitil ng lahat ng mga pangarap na binuo niya kasama ng babaeng pinakamamahal niya.

Kung di lang sana ako naging pabaya...

Kung di lang sana nangyari yung aksidente...

I Hate You... I Love You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon