Chapter 4: Whoops! Stranger Danger!

35 1 0
                                    

Umuulan pa rin.

Buti na lang talaga, humina na ito kaysa sa kanina... 

Hindi ko matatagalan ang pagmumukha ng OGRE na yun! *singhot

Padabog na naglalakad palayo sa Coffee Shop si Kathryn.

Nang makalayu-layo na siya sa shop, sobrang layo para hindi na siya makita ng mga taong nasa loob, at saka niya inilabas lahat ng sama ng loob niya. 

Play it safe...

Pinag tripan niya ang namumuong baha sa kalsada.

Sa sobrang galit niya, nagtatalon siya dito.

Iniimagine niya na ang nadadaganan niya ay ang mukha ng HALIMAW na customer na pinagsilbihan niya kanina.

Hindi pa siya nakontento sa pagtalon sa baha, sinipa pa niya ito.

Nagtalsikan ang maruming tubig. Sa sobrang lakas ng pagkakasipa niya, may ilang tubig ang napunta sa nakaawang niyang bibig.

Hindi lang 'yon. May napansin din siyang kakaiba.

Umuulan di ba? Ngayon ko lang napansin, pero kanina pa walang pumapatak sa kin. At saka, ano tong aninong to?

Unti unti siya umikot sa likuran niya.

Nagulat siya.

May matangkad na lalaking pumapayong sa kanya!

Basang basa na rin ito.

Hanggang kailan pa kaya ito nandito! Haiszt, pungal!

Nakita niya kaya yung paglunok ko sa tubig baha kanina!

NAKAKAHIYA!!! (T^T)

____________________

JEREMY'S POV

"Nasan na ba yung shop ni Ate Annalie?"

Napapakamot na ko sa ulo ko.

Ang alam ko kasi, malapit na ko. Ba't di ko kasi makita?

Biglang may dumaang babae sa harapan ko.

Ano bang iniisip nito? Kaliit liit ng katawan nito! Hindi ba nito naisip na madali itong dapuan ng sakit? 

Sandali, naka uniform ito. Hindi kaya nagtatrabaho ito sa shop ni Ate?

Tinignan kong mabuti ang hitsura ng babae... Pfft! Natatawa na lang ako...

Sobrang laki kasi ng uniform nito. Imbes na ito ang magsuot ng uniform, ang uniform nito ang nagsuot sa kanya.

Saan ba ito pupunta? Sundan ko na nga lang!

Ang liit liit ng biyas, ang bilis lumakad! Anubato! Galit ba ito?  

Naabutan ko na ang babae. May naiisip akong magandang ideya.

Siguro, payungan ko na lang siya para mapansin niya ko... =P

Ilang minuto na ang nakakaraan at patuloy pa rin ang babae sa paglalakad. Hindi ba nito napapansin na wala nang pumapatak na ulan sa kanya?

Tumigil ang babae. Nagulat ako sa susunod nitong ginawa.

Pinagtatadyakan, at pinagtatatalunan nito ang baha! 

Miss naman! Kung gusto mong mag swimming, wag ka nang mandamay!

Basang basa na rin ako oh! Haisxt! Bad Trip!

Buti nga sa yo, nakainom ka ng tubig baha!

Tumigil ang babae sa pag lalaro nito ng tubig baha na PARANG TIMANG!

I Hate You... I Love You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon