Chapter 7: Kimi... :D

10 0 0
                                    

Kathryn's POV

Iyak ako ng iyak habang ibinababa na siya sa kanyang hukay...

Hinahatid ko na siya sa huling hantungan niya...

Napakasaklap lang na isiping

Iniwan niya ako agad sa kabila ng mailkli naming pagsasama...

Lalo akong napahagulgol nang tinatabunan na ng lupa ang kinahihimlayan niya...

Ito na ang huling beses na makikita ko siya...

Kung hindi lang sana nangyari ang karumaldumal na pagpatay sa kanya...

Flashback...

"Waaaahhh!!!" Sigaw ko nang may dalawang lalake ang humila sa siko ko...

Tinignan ko si Jeremy na prenteng nakaupo sa sofa at tuwang tuwang sa nakikitang galit sa mukha ko.

"Jeremy, humanda ka sa kin! Pag may nangyaring masama sa buhok ko-"

"Anong gagawin mo? Hmm?" Panghahamon pa niya habang papalapit sa pwesto ko habang nakahawak pa rin sa siko ko ang dalawang asungot-di-pa-namatay.

"A-ano..." Hindi ko siya matignan kasi wala akong maisip na gagawin kong masama pag nagkataon!

"Iiyak ka na naman! Haha!"

Ayan na nga. Anu pa nga ba! Ngumawa na naman ako!

Napangiti naman ang hinayupak dahil sa reaksyon ko...

"Hala, sige! Gupitan niyo na yan!"

Wala na kong magawa kundi umiyak at ngumawa.

Pinaupo na nila ako sa silya...

Hala! May hawak nang gunting si Kuya!

Kuya! Wag poh, PLEASE!!!!! 

Nasa likod ko na siya, at akmang gugupitin ang pinaka mamahal kong buhok!

No, no, no, no, Please, anything! Anything but my hair!!!

Isinasara na ang gunting sa aking buhok...

At nangyari na ang karumaldumal na eksena...

Tila nag slow motion ang pagbagsak ng buhok ko sa sahig...

Nanghina ako...

Dinaluhan ko ang buhok ko na walang buhay sa sahig ng nakaluhod...

"NNNOOOOOOOO!!!!"

Hagulgol ko habang nag aalangan kung hahawakan ko ba ang buhok ko na nakahandusay sa sahig...

End of Flashback 

Ganun nga ang nangyari...

Nasa bahay na ko ngayon, sa bakuran...

Binibigyan ng maayos na libing ang nag iisa kong karamay sa lahat ng oras.. 

"Kimiiiiii!!!!!! Waaaaahhh!!!!" Hagulgol ko.

Hindi porke mas lumitaw ang bilog ng mga mata ko at mas bumagay sa shape ng maliit kong muha ang bagong gupit ko ngayon, okay na sa kin ang ginawang PAGMAMALUPIT ng MONSTER na yun! At porke mas gumanda ako at napuri ng wagas ng hinayupak na yun... Kahit na natuwa ako ng KONTI LANG inside... Di ko siya mapapatawad!!! T^T

 Pinatay niya ang KIMI KOH!!! WAAAHHH!!! TT^TT

"KATHRYN! Anu bang nginangawa ngawa mo dyang bata ka!"  sigaw sa kin ni Nanay Isay

"N-nanay IhihiIsay! Waaahhh!!!" Lalo pa kong napaiyak. Dinaluhan naman ako ni Nanay at hinagod hagod pa ang likod ko... 

"Ano bang nangyayari sa yong bata ka?" Nag-aalala nang tanong ni Nanay....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Hate You... I Love You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon