Chapter 08

75 6 0
                                    

Chapter 08

Sofia's POV

~Kringgg~Kringggg~

Hayst. Ang aga aga pa ang ingay na ng cellphone ko!

Kinuha ko ang phone ko at tinignan ko ito. At tumatawag pala si Violet. Bakit kaya tumatawag ang isang 'to? Kaya naman sinagot ko na ito.

"Hello." I said.

"Hoy babae! Ano bang ginagawa mo?!" Tanong niya sa akin sa isang pasigaw na tono. Galit?! Gigil ha!

"Natutulog ako! Bakit ka ba kasi tumawag ang sarap sarap ng tulog ko dito tapos mangiistorbo ka diyan!" I said in a sarcastic tone.

"Mamaya na ako uuwi. Im on my to airport. Sunduin mo ko ha. Kundi lagot ka sa akin!" She said.

"Sige lang. Just text me pag nasa airport ka na." I said.

"Sige bye." She said

"Bye. Ingat." I said and ended the call.

At natulog ulit ako. Inaantok pa ako eh!

Ilang oras din akong natulog. Pagkagising ko kanina ay tanghali na. Kaya naman ngayon ay kumakain na ako ng lunch.

Ano nanaman kaya ang gagawin ko? Ang boring naman kasi ng walang kasama eh. Tsaka kailangan kong maglibang para makalimutan ko na siya. But, i know na kahit anong gawin kong paraan para kalimutan siya ay hindi ko magagawa. Wala eh. Tinamaan ako eh.

Kaysa magdrama ako dito, pupunta nalang ako sa mall! Kaya naman naligo na ako para makaalis na agad ako. Nang matapos akong maligo ay pumunta na ako sa mall.

Naglalakad ako ngayon sa mall. San kaya ako pupunta? Bibili nga ako ng sapatos ko. Ang tagal ko nang di nakakabili eh. Tsaka minsan ko lang din namang ibili yung sarili ko eh. Kaya push na!

Kamusta na kaya si Fionix? Miss ko na siya. Pero miss ba ako? Lols. May girlfriend na nga pala siya. Bakit ko ba yun iniisip? Sabi ko sa sarili ko magmo-move on na ako eh. Pinangako ko sa sarili ko na once na magkita kami, gusto ko makakatingin na ako sa mga mata niya na wala na akong nararamdam pa para sakanya.

Habang naglalakad ako ay hinanap ko ang panyo ko. Nagulat ako nang may mabangga ako. Aray ha! Nauntog ako dun! Dahil sa inis ay tumingin ako ng masama sa napag-untugan ko. At nagulat ako ng isang lalaki pala ang umuntog sa akin. Aba't bwiset ha! Naglakad na kaagad ang lalaki.

"Hoy lalaki!" Sigaw ko. Pero hindi siya tumingin.

"Hoy!" Sigaw ko ulit pero hindi pa rin siya tumingin. Yung totoo? Bingi ba ang isang 'to? At dahil nga naiinis na ako sakanya ay nilapitan ko siya at kinalabit. Tumingin yung lalaki sa akin at naguat ako nang malaman ko kung sino yung lalaki.

Si Renz pala yun. Walanghiya talaga 'tong lalaking 'to eh! Nakaearphones pala siya kaya di niya ako naririnig!

Tinanggal niya ang earphones niya at tsaka nagsalita.

"Zup." Cool na sabi niya.

"Anong zup ka diyan!? Nauntog ako sa likod mo, bwiset ka!" Sabi ko naman.

"Well, di ko kasalanan yun." Sabi naman niya.

"So, ano? Ako pa may kasalanan? Eh hinahanap ko lang naman yung panyo ko eh! Tas ikaw 'tong huminto kaya nauntog ako!" Sabi ko.

"Di ka kasi tumitingin sa dinadaan mo. Pwede mo namang mamaya nalang hanapin eh." Sabi niya naman.

"Nako! Ewan ko sa'yo!" Sabi ko naman at akmang aalis na ako nang hawakan niya ang aking braso.

"Ano ba!?" Sigaw ko.

"Manahimik ka nga! Baka akalain ng mga tao dito kung ano nang ginagawa ko sa'yo eh!" Sabi naman niya. Siya pa galit ha?!

"Bitawan mo kasi ako!" Sabi ko. At dahil di siya marunong sumunod ay di niya ako binitawan.

"Tatanungin lang naman kita kung bakit ka nandito eh." Sabi niya.

"Bakit? Bawal ba? Sorry ha. Di ako nainform." Sabi ko naman at umirap.

"Ang init palagi ng ulo mo sa akin no?! Di ka pa rin talaga nagbabago." Sabi niya pero di ko na narinig ang last na sinabi niya naging pabulong bigla eh.

"Ano ba kasing problema mo?!" Sabi ko.

"Sama nalang ako sa'yo wala din naman akong kasama eh." Sabi niya at dahil wala din naman akong kasama ay pumayag na ako na sumama siya sa akin.

"Sige." Sabi ko at nauna nang naglakad. Pero napahinto ako bigla. San nga ba ako pupunta? T*ngina kasi netong Renz na'to eh! Nakalimutan ko tuloy kung saan ako pupunta! Kaya nag-isip ako saglit. Ayun! Naalala ko na! Bibili ako ng sapatos ko!

Kaya naman naglakad na ulit ako at nang makarating na ako--este kami sa mga sapatos ay pumili na ako.

Nang matapos na akong bumili ay napagdesisyunan namin na kumain.

Nakaupo na ako ngayon habang si Renz naman ay umorder na ng kakainin namin. Tinignan ko ang mga tao sa paligid ko at nagulat ako nang may makita akong hindi maganda. Bakit hindi maganda? Kasi nakakasakit yun ng damdamin. Parang sinasaksak nanaman ang puso ko. T*ngina naman oh! Bakit ngayon pa?! Di pa ako handa eh!

Nakita ko lang naman si Fionix na kasama yung girlfriend niya! Si Cherry pala yung girlfriend niya yung sikat na model. Sino ba namang di magkakagusto sa ganyang kagandang babae? Walang wala ako sakanya eh.

Ang sakit. Sobrang sakit. Yung makikita mo yung lalaking mahal mo na may kasamang iba. And worst. Ngumingiti at masaya siya nang di ako ang dahilan kundi yung babaeng mahal niya. Nagbabadya na ang mga luha ko. Mga luha! Huwag naman ngayon! Mamaya nalang kayo tumulo!

Pero tuluyan nang tumulo ang pinipigilan kong luha nang makita kong halikan ni Fionix yung babae. Oo! Hinalikan niya! Sa labi. At halatang masaya talaga silang dalawa. Well, basta kung siya masaya susuportahan ko siya, kahit na ang sakit sakit na. Tumayo na silang dalawa at umalis.

Umupo na si Renz sa harapan ko at halatang nagulat siya sa itsura ko. Tuloy pa rin kasi sa pagpatak yung mga luha ko.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong niya. Pinunasan ko ang mga mata ko. Ayokong nakikita ako ng ibang tao na umiiyak. Gusto ko makikita nila akong malakas kahit yung totoo gustong gusto ko nang sumuko.

"Wala. Napuwing lang ako." Sabi ko naman at ngumiti ng pilit.

"Anong napuwing? Wag ako Sofia. Oh eto panyo." Sabi niya at binigay sa akin yung panyo. Agad ko naman tinanggap ang panyo at pinunasan ko ang mga luha sa aking mukha.

"Kain na tayo." Sabi ko.

"Sige. Pero gusto kong malaman kung bakit ka umiiyak kanina. Sabihin mo nalang sa akin bukas wag ka munang masyadong mag-isip ngayon. Magkita tayo bukas sa park na malapit sa mansion niyo. May mahalaga lang din akong sasabihin sa'yo." Sabi niya.

"Sige." Sabi ko naman at kumain na kaming dalawa.

At pagkatapos nun ay pumunta na kami sa airport. Sinamahan na din ako ni Renz na sunduin si Violet.

***

Simula pa nung unaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon