Chapter 03
Sofia's POV
Gumising talaga ako ng maaga ngayon para maabutan ko si Violet.
"Ingat ka ha. Sorry talaga kung di kita mahahatid. Ang layo kasi ng airport natin eh." Sabi ko naman.
"Okay lang. Buti nga at nakapagbonding pa tayo kahapon." She said.
"Mamimiss kita Violet." I said.
"Me too. I will definitely miss you. Mag-iingat ka ha." She said. At yumakap sa akin kaya naman niyakap ko din siya pabalik. Nangingilid na ang luha ko. At bumitaw na siya sa pagkakayakap. At tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko.
"Oy! Wag ka ngang umiyak! Dalawang buwan lang naman akong mawawala eh." Sabi naman niya. Pinunasan ko naman ang luha sa aking mukha.
"Oo na. Sige na baka malate ka pa sa flight mo. Uwi ko ha." I said.
"Oo sige. Bye." Sabi naman niya at umalis na. Ako naman ay pumasok na sa kwarto ko at pumunta sa banyo para maligo. May pasok pa ako eh.
Pagkatapos kong maligo ay kumain na muna ako at pumunta na ako sa garahe namin. At kinuha ang kotse ko. Sumakay na ako doon pero bago ko ito paandarin ay tinext ko muna si Fionix.
To: Fionix (Babe♡)
Me: Good morning! Gising na at baka malate ka!
At pinaandar ko na ang kotse ko.
Ilang saglit pa ay nakarating na ako sa school namin. Kaya naman pinark ko na ang aking sasakyan.
At dahil medyo maaga pa ay naisipan kong pumunta muna sa library. Well, kung iniisip niyo na ang dahilan ko kung bakit ako pupunta sa library ay magbabasa ako. Well, mali kayo. Matutulog lang ako. Inaantok pa ko eh. Mag sa-sound trip na rin ako. Pero naka earphone naman ako.
Nakaupo na ako ngayon dito sa pinaka dulong part ng library. At isasaksak ko na sana ang earphones ko sa aking tenga ng biglang magvibrate ang cellphone ko. May natext pala.
From: Fionix (Babe♡)
Fionix: Good morning din! Don't worry papunta na ako sa school. Nasan ka na ba ngayon?
To: Fionix (Babe♡)
Me: Nasa school na ako. Nasa library lang ako. Medyo maaga pa naman eh.
From: Fionix (Babe♡)
Fionix: Ahh.. Sige see you nalang.
Di ko na siya nireplayan dahil talagang inaantok na ako. Kaya naman nilagay ko nga sa tenga ko yung earphones at pumili na ako ng kanta. At ang napili kong kanta ay Sundo. By: Moira Dela Torre. Fav. ko yan eh. Well, di naman sa nagyayabang ako pero biniyayaan ako ng magandang boses. Pero konti lang naman. Di ako nagagandahan sa boses ko eh.
At sinimulan ko na ngang patugtugin ang kantang iyon.
Sundo
By: Moira Dela TorreKay tagal kong sinusuyod
Ang buong mundo
Para hanapin
Para hanapin ka
Nilibot ang distrito
Ng iyong lumbay
Pupulutin, pupulutin kaSinusundo kita
SinusundoAsahan mo mula ngayon
Pag-ibig ko'y sayo
Asahan mo mula ngayon
Pag-ibig ko'y sayoSa akin mo isabit
Ang pangarap mo
Di kukulangin
Ang ibibigay
Isuko ang kaba
Tuluyan kang bumitaw
Ika'y manalig
Manalig kaSinusundo kita
SinusundoAsahan mo mula ngayon
Pag-ibig ko'y sayo
Asahan mo mula ngayon
Pag-ibig ko'y sayoAsahan mo mula ngayon
Pag-ibig ko'y sayo
Asahan mo mula ngayon
Pag-ibig ko'y sayo
Pag-ibig ko'y sayo(Asahan mo)
Handa na sa liwanag mo
Sinuyod ang buong mundo
Maghihintay sayo'ng sundo
(Asahan mo)
Handa na sa liwanag mo
Sinuyod ang buong mundo
Maghihintay sayo'ng sundoAt bumagsak na ang aking mga mata. At tuluyan na akong nakatulog.
Nagising ako dahil may tumatapik sa akin. Kaya naman inangat ko ang ulo ko at tinignan kung sino yun. At nagulat ako nang makita ko na si Fionix pala ang tumatapik sa akin.
Kaya naman tinanggal ko ang earphones ko sa tenga.
"Kanina ka pa ba?" Tanong ko sakanya.
"Oo eh. Pinapanood kita habang natutulog ka. And you look like an angel while sleeping." Sabi niya. Natuwa at nasaktan naman ako sa sinabi niya. Natuwa dahil pinuri niya ako. At nasaktan dahil mukha lang daw akong anghel kapag natutulog. Ang sama di ba!
"Late na ba tayo?" Tanong ko.
"Nope. 15 minutes pa before mag bell." He said.
"Ahh.. Sige tara na. Sorry ha. Inaantok pa kasi talaga ako eh kaya natulog ako kanina." I said.
"It's okay. Ano ka ba. Kumain ka na ba?" He ask.
"Oo kumain na ako. Ikaw ba?" I ask.
"Oo kumain na din naman ako. Tara na mauna na tayong pumunta sa room." He said.
"Sige." Sabi ko at naglakad na kami papunta doon sa room namin. At nakita ko naman na ang sasama ng tingin sa akin ng mga babaeng nadadaanan namin. May mga gusto yan kay Fionix. Ang pogi kasi ng babe ko-- este ng bestfriend ko eh.
At nakarating na nga kami ngayon sa room namin. At ilang saglit pa ay nagdatingan na din ang iba pa naming kaklase at pati na rin ang professor namin.
Matapos ang klase ay sabay kaming naglunch ni Fionix at hinatid niya din ako pauwi sa amin. Ang swerte talaga ng magiging girlfriend ni Fionix. Hayst.
***
BINABASA MO ANG
Simula pa nung una
Cerita Pendek[Completed✔] Started: January 31, 2018 Completed: February 09, 2018 Lilimutin ang damdamin isisigaw nalang sa hangin. Mahal kita. Mahal kita... Highest reached rank: #01 in completed story [July 17, 2018] #47 in pop fiction #44 in sad story