The Promise

2 0 0
                                    

3 weeks na mula nung aksidente sa pool. Parang normal na lahat ng bagay, bahay school lang, bagsak sa exam si Jinken, minsan sa bahay ng mga kaybigan ko, hilata sa kama, etc.

Linggo ng madaling araw nagising ako then bumaba ako para uminom ng tubig. Nakapatay lahat ng ilaw, tangging liwanag lang ng buwan ang nagbibigay ng liwanag sa dinadaanan ko.

So binuksan ko ang refrigerator then kinuha ang lalagyan ng tubig sabay talikod para kumuha ng baso.

Mejo mapungay pa mga mata ko kase inaantok pako non.

Kumuha ako ng baso then nilagyan ng tubig, tumalikod ako sa bangera habang umiinom. Pagbaba ko ng baso.,

She: kamusta?

me: WHHHAAA!!!!!!! 

Halos nabitawan ko ang baso ko., sa totoo lang nabalibag ko.

That time nawala ang antok ko. Hamakin mo ang nasa isip ko ako lang mag-isa sa bahay, pagbaba ko ng baso mula sa harapan ng mula ko makakakita ka ng babaeng nakapang madre na suot??!!  Diba nakakagulat yon??!!

So I was shocked that time. Napahawak nalang ako sa dibdib ko, akala ko multo, pero unti unti nakikilala sya ng utak ko.

Me: TEKA ANONG GINAGAWA MO DITO??!!

She: para tupadin mo sinabi mo sakin. Naaalala mo ba?

Me: Seryoso ka?!!

She: gusto mo bang mamatay?

Me: ahhh??!! Hehe joke lang.. (lalaban kapa ba)

So sinindihan ko ang ilaw namin. Wala nako balak matulog kase NAWALA NA ANG ANTOK KO DAHIL SA BABAENG TO.

So pinaupo ko sya sa lamesa namin, then tinanong ng mga bagay bagay.

Me: So papaano ka napunta dito?

She: tumakas ako.

Me: malamang 😑

She: Tutal naman, kadalasan ng mga napupunta sa lugar na yon, namamatay. Kaya di ko na problema kung nandun ako o wala.

Me: ganun ba. So swerte pa pala ako kung ganun.

She: hindi

Me:  ha?  Bakit?

She: May 1 linggo kang pagkakataon para mapakita sakin ang sinasabi mo. Kapag hindi ko nagustuhan, mamamatay ka.

Me: Ano??!!

Akala ko ligtas nako. Hindi pa pala. Kaya ayun, lalo akong hindi nakatulog.

Me: uhm. Bakit pala ngayun ka lang?

She: hinanap pa kita. Nagtanong tanong ako sa mga tao hanggang mahanap ka.

Me: seryoso ka? Nang ganyan ang suot mo?

She: oo

(Parang ayoko nang lumabas kung sya lang din ang kasama ko. Makikilala sya ng mga pinagtanungan nya, baka sabihin nakikipagdate ako sa baliw.)

Me: Sa madaling salita, hindi ka pa kumakain o naliligo nyan?

She: Kumain ako. Pero hindi pako naliligo.

Me: saan ka kumain?!

She: sa tinatawag nyong karindirya. Masarap din pala kumain.

Me: Saan ka kumuha ng pambayad mo?

She: ano yun?

NAKO PATAY!!  PAPAANO KO TO MALILIBOT E BAUN NA TO SA UTANG!!!

Me: Hays, o sige kumain ka muna jan. Pagkatapos maligo ka. Paghahanap kita ng damit.

She: mayron ka? Nagsosoot ka ng damit pangbabae?

Me: hindi no!!

So iniwanan ko sya ng pagkain pagkatapos iniwan ko muna.

Pumunta ako sa kwarto ng kapatid kong babae. 2 years lang agwat ng idad namin. Namatay sya sa isang car accident.

Nang binuksan ko lalagyan ng damit nya, nakita ko picture naming dalawa. Close kami. Kase kami lang magkasama sa bahay dati. Ngayun, ako na lang.

She: tapos nako.

Me: WHAAAA!!!

Bigla syang nagsalita sa pinto, gulat nanaman ako.

Me: Wag ka nga nang gugulat ng ganyan!!!!! O ayan damit!!! Maligo ko saka ka magpalit.

After 30 mins. Natapos na syang magbihis.

Nasa sala ako nanunuod ng tv. Kase 4am na din. Baka may kakaibang balita.

She: uhhm?? Hindi ako sanay sa ganitong kasootan??

Tinignan ko sya, sa totoo lang maganda sya sa suot nya, maputi sya kase puro balot ang damit nya.

Me: bagay sayo yang dress.

She: uhhm. Salamat.

Halatang naiilang pa sya sa suot nya. Pero DAPAT SYANG MASANAY KUNG GUSTO NYANG LUMABAS NG BAHAY NG WALANG ISKANDALO.

Me: kung gusto mong matulog o magpahinga, dun ka muna sa kwarto ko.

She: ah sige.

Malamang pagod yan.

7:30 need ko nang pumasok. Pinagluto ko na sya ng almusal, then ng iwsan ako ng note.

"Kumain kana jan. pinagluto na kita. papasok muna ako sa school. mamayang 5 pa uwi ko. Be a good girl. "

................

To be continue....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 24, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Goddess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon