"Love is like dark chocolate. Although it always leaves you with a bitter taste in your mouth, you will still be tempted to take a bite the next time around."
June 31, 2017
Nagising ako sa tilaok ng manok, isang bagong umaga na naman. At hindi basta umaga lang, isang espesyal na umaga.
Nagunat ako. "Uhmmm.." O___O.
"JHIRO!!!" sigaw ni Sandra, boses palang alam ko na siya un, sasagot palang sana ako ng biglang bumukas ang pinto. At...
"JHIR-- HOLY SMOKES!" bulalas niya. Saka ko lang napansin ang babaeng katabi ko sa kama, agad akong napaupo at napatingin sa katabi ko na unti unti palang nagigising. "WHO IS SHE?" isip isip ko.
Agad niyang dinampot ang mga damit sa lapag ng kama at nilapitan ang babaeng katabi ko, ewan ko lang kung anong bad spirit ang sumapi sa kaniya pero out-of-no-where ay binihisan niya ang babaeng katabi ko. The HECK.
Hindi na nakapalag pa ang babae errr, sino ba siya? Matapos bihisan ni Sandra ang babae ay dali dali nitong hinila ang babae palabas ng kwarto.
"Shooo. Baba ka lang sa hagdan, turn left, then living room, door. Bye." pagkatapos magsalita ay walang ano anong tinulak nito ang babae saka sinara ang pinto. And then she turn to me with a blazing glare.
"Good Morning Sands." bati ko sa kaniya with a full smile ^_________^.
Nakatakas ang kilay na lumapit siya saken, tumigil siya sa hem ng kama ko "Would you mind explain me whose that bitch?" matary na tanong niya.
Napakamot ako sa ulo at nagisip. "I-I don't know." sagot ko.
Umangat ang kilay niya "WHAT?!"
"I dont know."
"God!? your impossible Jhiro! Where have you been yesterday? Hindi ka umatted sa dinner meeting naten with our clients?!! Pinagtakpan nalang kita kay Sir Migz!....." patuloy na sermon niya saken. Napapangiti nalang ako sa ekspresyon niya.
Sino ba si Sandra? Sands is my bestfriend since childhood. Hindi na nga kami mapaghiwalay dalawa mula pagkabata hanggang sa kolehiyo. Masyado siyang protective saken, ewan ko ba dito, pero okay lang, ang cute niya kasi pagnagagalit. Katulad ngayon, namumula siya, hindi ko alam kung dahil sa nagagalit siya o dahil sa nakita niya ngayon.
BINABASA MO ANG
BITTER AKO!!! (PERIOD)
Teen FictionKadalasan sa buhay pag-ibig, babae ang laging sawi. Pero paano nga ba kung sa sitwasyon niyo, si boy ang sisigaw ng BITTER AKO!?